Ano nga ba ang pangako? Ito ba ay salitang binibitawan para lamang mapaniwala at mapasunod ang taong ating gustong maniwala?
Kapag panahon ng kampanya, madalas nating naririnig ang mga pulitiko na nagbibitaw ng kung anu-anong mga pangako. Pero kapag tapos na ang eleksyon at naka-upo na sila, bigla silang nagkakaroon ng amnesya at walang natatandaan sa mga pinangako nila.
Ang isang employer, para mahinto, o mapigilan ang pag-a-aklas ng mga trabahador ay gumagamit din minsan ng mga pangako. Mga bagay na kanilang mga napagkasunduan, bagama't may mga natutupad naman sa mga napag-usapan, asahan mong mayroon at mayroong maiiwan.
Ang mga binatang naniningalang-pugad o nanliligaw, di nga ba't kung anu-anong pambobola ang binibitiwan nila para lamang mapasagot ang kanilang nililigawan... mga pangako ng kasal, mga panghabang-buhay na pagmahahal, at kung anu-ano pa.
Pero manapa't hindi lahat ng mga pangako ay natutupad. Bakit kaya? Tutuo nga ba ang kasabihan na "promises are made to be broken?" Sana naman hindi.
Napag-uusapan na rin lang ang mga pangakong hindi natutupad, minsan may natanggap akong text mula sa hindi ko kilalang number na king ikinagulat. Bakit kamo?
Ganito kasi ang laman nung text:
Sabi mo dati, ikamamatay moIsa na namang pangakong hindi natupad?
kapag nawala ako sa buhay mo
Ngayong wala na tayo,
tuparin mo na pangako mo...
MAMATAY KA NA!!!