Martes, Abril 27, 2010

Social media, hindi "okray" media

Nakakatawa, pero nakakainis din kung minsan. Napapansing ko lang (ba't ko pa kasi pinapansin, pwede naman hindi), bakit kaya ang daming basagan ng trip sa facebook?

Andyan ang mga wall post, mga fan page at mga group... mga banat na panira o pang-okray, ika nga, na hindi mo alam kung sinong pinapatamaan o may pinapatamaan... na matay ko mang isipin, sa tingin ko hindi naman sila napeperwisyo.

Hindi mo ba nalalaman ang sinasabi ko? Bibigyan kita ng example.

Andyan ang banat na Hindi ka maganda, maputi ka lang!, meron ding Hindi komo may dslr ka, photographer ka na!  at marami pang iba, hindi ko lang matandaan yung iba.

Naisip ko lang, napeperwisyo ka ba? O may kasamang inggit ang banat?

Di nga ba ang Facebook as social media at hindi okray media? Ito ay isang channel o medium para makipag-kaibigan, mahanap ang matagal nang hinahanap na kaibigan o kaklase at makausap na rin ang mga kamag-anak na malalayo.

Pero bakit ganun? Imbes gamitin ito sa positibong paraan, may mga ganung banat? Ang iksi nang buhay, di ba? Bakit hindi pwedeng maging positive lahat? Ang dami na ngang masasamang nangyayari sa paligid, pati sa internet dadalhin pa rin.

Kyut ba?
Iyun marahil ang iniisip ng iba. Pampa-kyut lang, walang malisya. Sana nga.

Ang masama nito, dahil sa pagsulat ko nito parang nagiging isa na rin ako sa kanila... bumabasag sa trip ng iba.

Napeperwisyo ba nila ako? Sa tutuo lang, hindi rin, pero hindi mo kasi maiwasan mapansin e.

Mas maganda sana kung puro positive na lang, di ba?

Hay naku! Umiiral na naman pagiging idealistic ko.

Tama na nga. Wala naman nakikinig e.

4 (na) komento:

jan geronimo ayon kay ...

May pagka anti-social ba ang dating, Roy? As much as possible kasi non-confrontational ang mga Pinoy. Pag may napapansin sa halip na iexpress ito in a levelheaded way, dinadaan sa pasaring.

Mahilig magkimkim, nag iipon ng sama ng loob. Which on occasions sumisingaw as FB update.

Ang isang kinagigiliwan kong basahin iyong mga expressions of unrequited love. Yun mga emo moments ba. Pero siempre up to a point lang un. May threshold din yan. Pag sobra na nakakaumay na rin.

Roy ayon kay ...

nababasa ko rin yung mga yun Jan, naaliw ako.

nasabi mo ang pasaring, mayroon din akong nakita, hindi ko alam kung status update of fan page na nagsasabing:

puro ka parinig sa status mo! kung talagang matapang ka, i-wall-to-wall post mo!

jan geronimo ayon kay ...

Ahahaha. Palaban siya. Madaling gawin yan, pero it's hard to live down na minsan nagkaroon ka ng meltdown. At sa Facebook pa...Should pay more attention to my friends' updates. Di ko nabasa yan wall-to-wall challenge na yan. :)

Roy ayon kay ...

hahaha!

heto, Jan. fan page na pala

http://www.facebook.com/?ref=home#!/pages/PURO-KA-PARINIG-SA-MGA-WALL-POSTS-MO-KUNG-MATAPANG-KA-I-WALL-TO-WALL-MO/104412219591959?ref=search&sid=1130975026.1137153229..1