Huwebes, Mayo 13, 2010

Kelan kaya mauuso ang UNLIMITED French Fries?

Wala lang, naisip ko lang.

Nauso na ang bottomless ice tea at softdrink, meron na rin unlimited rice, pero bakit wala pa ring UNLIMITED French Fries?

Sarap siguro nun! Ang laking katipiran pa!

Hindi ka na oorder ng kahit ano pang pagkain, kundi french fries lang. Sige lang, hingi ka nang hingi. Kainin mo ang french fries na kaya mong kainin. Kahit gaano pa karami, kasi nga unlimited, di ba?

Hanggang sa maumay ka na at isumpa mo na ang french fries sa buong buhay mo.

Biro lang yung huli, na-carried away lang. Pero pwede kaya yun? Manawa ka nga kaya sa french fries kung unlimited ito?

Posible.

Pero bakit ang kanin, hindi naman tayo nagsasawa? Kaya sa palagay ko, hindi rin siguro. Ako alam ko hindi ako magsasawa sa french fries.

Sana nga lang, magkaroon ng UNLIMITED french fries.

Ang hirap nga naman ng walang nagagawa, kung anu-ano tuloy ang naiisip/

4 (na) komento:

jan geronimo ayon kay ...

Naku hindi ako sang-ayon dyan. Kayo na lang mag unlimited baka tumaas blood pressure ko dyan. Ahehehe.

Roy ayon kay ...

hahaha! pinapahanga mo ako sa iyong disiplina, Jan :)

pero, nakakataas ba ng BP ang potassium?

sabagay, anything in excess is not good. but don't worry my friend, I'm more than willing to take your share to spare you from any complications :)

Star ayon kay ...

Ay gusto ko din yn! I love french fries..hehehe!

Roy ayon kay ...

hahaha! mahilig ka rin pala sa french fries

salamat sa pagdalaw Star!