Biyernes, Marso 27, 2009

Bawal basahin ito!

Pansin ko lang...

Bakit kaya ganyan tayong mga Pinoy? Kung ano ang bawal, yun pa ang ginagawa.

Katulad halimbawa...

Bawal magtapon ng basura dito
Sa tapat mismo ng karatulang yan, makikita mong nakatapon ang basura, kung hindi man ga-bundok ay nagsisimulang nang maging maliit na bundok

Bawal umihi dito

Kung hindi mo man matiyempuhan na may umiihi mismo dun sa tapat ng karatula, tiyak na mapanghe na yung tapat nun... dahil kaya may nakalagay na bawal?

Bawal magdikit sa pader

Swerte ka kapag nabasa mo pa ito at hindi pa natatakpan, pero malamang malapit na... lalo pa't malapit na ang eleksyon.

Bawal manigarilyo
Maliwanag yan na nakalagay sa mga pampublikong sasakyan, pero bakit may mga pasaway na pilit pa ring naninigarilyo sa loob ng dyip?! Madalas pa nga ang drayber mismo naninigarilyo! Malamang naman siguro, siya ang naglagay ng No Smoking sign sa sasakyan niya di ba?

Bawal magsakay/magbaba dito
Sa tapat mismo nung karatula, andun ang dyip at naghihintay ng pasahero!

Bawal tumawid
Pero mukhang hindi pa yata tayo nagsawang makipag-patintero nung maliit tayo e, kaya siguro masarap tumawid dito.

Bawal makiapid sa hindi mo asawa
Nasa Sampung Utos pa yan... pero bakit nga ba masarap ang bawal?

Kung tutuusin, ang dami pang pwedeng ilista dito... mga bawal na pagkain para mga maysakit na pilit nilang kinakain... mga bawal na gawain na pilit ginagawa... at kung anu-ano pang bawal na tila imbes na sundin ay siya pang pilit na sinusuway.

Ang ibig bang sabihin ng 'bawal' ay 'isang imbitasyon?'

Ito ba ay isang natural na katangian nating mga Filipino? Ito nga kaya ay sa atin lamang o pati ibang nasyon ay ganun din?

Katulad na lamang ng title ng binabasa mo, kung hindi ba ganyan ang title niya aabot ka ba hangga dito sa dulo?

Bakit nga kaya?

Martes, Marso 24, 2009

Isang bata, iniligtas ni Spiderman!

Opo mga kaibigan!

Isang batang lalaki ang nailigtas ni Spiderman sa Bangkok, Thailand. Pero hindi naman talaga siya si Spiderman, pero isang firefighter na nakasuot ng Spiderman costume para mailigtas ang batang lalaki.

Ang nasabing bata, na isa daw autistic, ay umakyat sa third floor ng eskwelahan. First day ng school niya, at natatakot siyang pumasok. Kaya't naupo sa tapat ng bintana sa may third floor.

Kahit anong pakiusap daw ng kanyang mga teacher ay ayaw daw pumasok ng bata, na ikinatakot ng mga guro dahil baka daw mahulog siya.

Nasa ganun silang kalagayan nang mabanggit ng kanyang nanay ang pagkahilig ng mga bata sa mga superheroes. Dahil dito, nagkaroon ng ideya si Sonchai Yoosabai.

Daglian siyang bumalik sa fire station, at pagbalik niya ay naka-costume na siya ng Spiderman.

Agad siyang umakyat para pakiusapan ang bata at sinabing, ililigtas siya ni Spiderman, lumakad daw itong papalapit sa kanya para makuha siya. Sinabing pang huwag daw siyang tatakbo at baka mahulog siya.

Na siya namang sinunod ng bata, na siyang naging dahilan para makuha siya ni Yoosabai at mailigtas siya.

Nang tanungin siya kung bakit mayroon siyang Spiderman costume, sinabi ni Yoosabai na hindi lang Spiderman kundi pati Ultraman ay mayroon siya. Ginagamit daw niya ang mga ito kapag nagsasagawa siya ng fire drills sa mga eskwelahan.

Aba! Astig!

Lunes, Marso 23, 2009

Summer na! Kumusta na kaya si Frosty the Snowman?

Ang init! Sobra! Parang ang sarap kumain ng ice cream, halo-halo, shakes at kung anu-ano pang malamig... kahit ice candy papatulan sa sobrang init.

Pero minsan, naiisip ko, ano kaya ang nangyayari kay Frosty the Snowman pagkatapos ng winter? Siguro, kagaya nyo rin ako na siya at ang iba pa niyang kapatid na Snowman ay natutunaw na lang basta sa ilalim ng araw... at mabubuhay na lamang ulit sa susunod na winter.

Mali pala yun!

Si Frosty pala, kasama ng iba pang mga Snowman ay nagtatago sa isang napakalamig na lugar upang sila makasurvive sa tag-init. Kumbaga isang shelter para sa mga katulad nilang bawal mabilad sa araw.

At dun sila nag-i-stay hangang sa susunod na winter o pagdating ng snow para muli silang makalabas.

Pero alam mo sa tutuo lang, hindi rin pala libre ang pagtira nila sa malamig na lugar na yun (kung saan man yun, walang nakakaalam - top secret daw e).

Kailangan silang magtrabaho kung hindi palalayasin sila dun. Siyempre, no choice sila di ba? Alangan namang papayag silang matunaw na lang basta sa ilalim ng araw.

Kaya hayun, napipilitan silang magtrabaho para naman huwag silang mapalayas. Pero madali lang naman ang pinapagawa sa kanila e... gusto nyo bang malaman?

Heto


O di ba, madali lang?

Sinong may gusto ng ice cream?