Bakit kaya ang ibang tao, sobra-sobra ang biyaya nila? Ang iba naman, halos hindi alam
kung paano makakatawid sa buhay.
May mga
ibang tao kung magtapon ng pera sa good time at bisyo nila, ganun-ganun na lang.
Parang pinupulot lang nila ang pera.
Yung iba
naman, ni hindi alam kung saan kukunin ang susunod na pagkain ng pamilya nila,
pambayad sa eskwelahan, o madalas napuputulan pa ng kuryente dahil nga walang
pambayad.
Bakit kaya
yung mga sobra-sobra hindi na lang pwedeng magbigay dun sa mga kapos? Bakit
hindi pwedeng lahat makaraos? Bakit hindi pwedeng lahat maging masaya?
Alam ko,
sasabihin ng iba, pinaghirapan nila yun at karapatan nilang gastusin yun sa ano
mang paraan na gusto nila. Wala silang obligasyon dahil hindi naman nila
kasalanan na naghihirap ang ibang tao. At saka, kaya daw mahirap yung iba ay
dahil tamad silang magbanat ng buto.
May
katotohanan siguro yun. Pero hindi lahat ng naghihirap ay tamad. Marami ang
talagang minamalas o di kaya ay pinagsasamantalahan at inaabuso ng mga ibang
mapanlinlang at pinapalabas na utang na loob pa nila kung makakatanggap sila ng
kakarampot na sweldo.
Ewan.
Opinyon ko lang yun. Maaring hindi nga kasalanan ng meron ang mawalan ang mga
wala. Pero hindi rin naman masamang tumulong kung may pagkakataon, di ba?
Hindi ko
sinasabing abusuhin sila, kung hindi tulungan yung mga dapat na tulungan. Yung
mga nagsisikap, at hindi naman yung mga naghihintay na lang ng ambon ng grasya.
Hindi siguro
talaga pantay ang buhay... pero sana lang, maiwasan ang pagiging maramot at
makasarili.
Hindi lang
naman sila ang anak ng Diyos.
Pero sabi
nga nila, talaga daw hindi pantay ang patak ng ulan.
Ewan,
naguguluhan na rin ako sa isinusulat ko.
Pautang na
lang!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento