Walang pasok, holiday. Pero may lakad ang dalawang binata ko. Hindi pwedeng hindi payagan kasi kailangan, related sa pag-aaral nila ang lakad nila.
Ang isa, magse-seminar ng 3 araw, sa Linggo na uwi niya. Ang isa naman, mag-iinterview sa isang lugar kasama ng mga kaklase niya.
Siyempre, kapag ganyan may gastos - pagkain, pamasahe, at iba pang mga kailangan na bilhin.
Kailangan bigyan mo kahit paano, para hindi naman sila mag-mukhang kawawa di ba?
Kahit yun lang ang pera ko, kahit wala sa budget, walang magagawa... kailangan sa pag-aaral nila e.
Pagka-abot ko ng mga pera sa kanila, "O, hayan ang pera n'yo. Pocket money lang yan, ha. Alam n'yo ba ang ibig sabihin ng 'pocket money'?" tanong ko sa kanila.
"Medyo" sagot nang isa.
"Ang ibig sabihin ng pocket money," pagpapatuloy ko... "sa pocket lang yan, wag n'yo ilalabas ha. Soli n'yo pag-uwi n'yo."
"Huh?!" ang duet na reaksyon ng dalawa.
3 komento:
waaahh! wala palang gastusan yun..he he he.patago lang.:0
at least may hawak silang pera! hehe...
pang-emergency ;)
Ahehehe. Bantay-binilad ang pera. O bantay pitaka? Hay naku, Daddy Roy. I'm sure walang pasalubong na Krispy Kreme dalawang binata mo pag-uwi. :)
Mag-post ng isang Komento