Isang nakakatuwang bagay na nangyari dahil sa pinsalang dulot ng bagyong si Ondoy ay muli namang nabuhay ang pagkakaisa at diwa ang bayanihan sa puso ng Pilipino. Dahil sa bagyo, pansamantalang nakalimutan ang alitan, ang pulitika at ang nais lang ng bawat isa ay makatulong sa mga naging biktima ng bagyo.
Walang iisang naging hari o naging bida, ngunit bawat isa, sa kanya-kanyang maliit na paraan ay nagpapaabot ng tulong, maging ito man ay donasyon, pagpapa-abot ng mga impormasyon sa mga kinauukulan, pagpapahiram ng mga personal na gamit tulad ng mga bangka, jetski at kung anu-ano pa.
Sadya ngang nabuhay muli ang diwa ng bayanihan sa mga Pinoy.
Nakakainis nga lamang, hindi yata mawawala ang mga taong ganun. Yung mga hindi ni nga tumutulong, mga wala na ngang ginagawa ay kung anu-ano pa ang mga sinasabi na nakakasira ng mga moral ng mga taong gustong tumulong. Andun yung pagdudahan ang intensyon ng mga tumutulong, kesyo ito daw ay personal, pulitika o 'press release' lamang. Sa ano pa mang intensyon, ang mahalaga sa mga panahong ito ay makarating ang mga tulong sa mga nangangailan.
Yung mga walang magawa... manapa'y manahimik na lang.
Nakakalungkot, dahil sa pagbaba ng tubig, sa pagtitigil ng ulan, nababalita na naman ang mga mandarambong at mga magnanakaw na nagpupunta sa bahay abandonadong bahay ng mga biktima at naghahanap ng mga mahahakot... na hindi naman sa kanila.
Sana tigilan na nila.
Ganun pa man, mas marami pa rin ang mga nakakatuwa dahil mas marami ang mga taong gustong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Sana kahit hindi bagyo, kahit walang sakuna... patuloy sanang panatilihin ang bayanihan, at patuloy sanang magkaisa ang mga Pilipino.
Sa ngayon, wala na si Ondoy, pero may balita ang PAG-ASA na may 2 pang bagyong paparating. Ipagdasal natin na sana hindi ito kasing-lakas ni Ondoy at hindi makapaminsala ng malaki. At sana makapaghanda na tayong lahat, lalo na ang gobyerno, na gawin ang nararapat para maiwasan ang mas malaki pang pinsala.
4 (na) komento:
pero sa tingin ko lamang ang pagkakaisa sa ngayon...unti lang ang mga umaaligid para gamitin itong pagkakataon sa pansarili lamang...
Yung mga walang magawa... manapa'y manahimik na lang.
tama pareng Ever, sabi ko nga, mas marami pa rin ang nakakatuwa... mas marami pa rin ang mga gustong makatulong.
tsk, nakakalungkot talaga mga trahedyang nangyayari sa pinas pwera pa yung mga trahedyang gawa ng tao at gawa ng mga magnanakaw (ordinaryo man o polotiko) sana naman e malampasan na tin ng di tayo masyadong naapektuhan.
nga pala, di ako makapasok dun sa isang site mo.
and congrats nga pala ha, balita ko pasok kayo ni jan sa 10 most influ, wow, huli man daw at magaling, lechon naihahabol din hahaha
hahaha!
thanks Lee!
better late than later, ika nga.
pinapalaki pa yung kawayan pantuhog sa litson e hehe...
thanks!
Mag-post ng isang Komento