Aba! Sa isang nakakagulat na balita? (may nakakagulat pa ba sa mundo ng pulitika ngayon?) At sa dinami-dami nang mga pinagpilian, ini-anunsyo na ng Lakas-Kampi-CMD ang magiging running mate ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., at ito'y walang iba kundi si Edu Manzano.
Opo, si Edu Manzano ang napiling vice president ni Gibo para sa darating na 2010 elections.
Para sa mga hindi pa nakakilala (kung sakaling meron man) kay Manzano, siya ang dating chairman ng Optical Media Board at host ng Game KNB sa ABS-CBN. Siya rin ang spelling quizmaster sa isang patalastas na tinanggap ang tatlong letra bilang tamang spelling ng salitang 'remittance.'
Si Manzano ay personal na pinili ni DILG Secretary Ricardo Puno, na siyang nag-suggest kay Teodoro para kunin si Manzano bilang running mate.
Si Teodoro at Manzano ay dating magka-eskwela nuon sa De La Salle University.
Sa pagtakbong ito ni Edu Manzano, muli niyang makakatunggali si Makati Mayor Jejomar Binay sa halalan. Ang dalawa ay unang nagharap nuong humabol si Edu bilang mayor ng Makati, at natalo siya kay Binay. Pero, ika nga, ibang kwento naman ito, at hindi lang silang dalawa ang magkalaban ngayon.
Wala ako sa posisyon para husgahan ang kandidatura ni Edu, dahil alam natin lahat na bawat Pilipino ay may karapatan humabol. Katulad na lang nang walang makakapigil kay Manny Pacquiao, kahit anong batikos pa ang gawin sa kanya, kung gusto niyang tumakbo sa susunod na taon.
Ganun din si Edu -- may karapatan ding humabol basta pumasa siya sa mga qualifications.
Ang tanong ngayon... "Pilipinas, Game Ka Na Ba?!"
Iba pang balitang tungkol dito:
It's Edu for Gibo - Philippine Star
Gibo goes show biz - Philippine Daily Inquirer
Edu Manzano: Wrong VP choice for Gibo Teodoro - GMANews TV
1 komento:
Dapat si Edu ba or si Boyet? Mas gusto ko si Biyet...he he he...wala lang...
Mag-post ng isang Komento