Pilit na hinahanap sa silanganan
ang tala na siyang magiging patnubay
ngunit ang tanglaw ay di matagpuan
at ang langit, tila nalulumbay
Sa panahong itong puno ng kahirapan
kung saan ang pag-ibig sa kapwa ay kulang
ang hanap na tanglaw ay matatagpuan
sa ating puso... kung ito'y bubuksan
-------------------------
Roy
December 22, 1998
12:45 PM
Balanga, Bataan
Philippines
Sabado, Disyembre 12, 2009
Martes, Disyembre 1, 2009
Sampal!
sampal sa katinuan!
iyo bang naramdaman?
tila 'di na nirespeto
hindi na iginalang
tayo ba ay bansa
ng mga utu-uto at tanga?
nilalapastangan tayo
pero di umaalma
ito ay isang pagsusulit
gamitin ang pag-iisip
sinasampal tayo ng harap-harapan
tayo ba'y tatahimik na lamang?
----------------------------
Roy
December 1, 2009
10:17 PM
Angeles City
Philippines
iyo bang naramdaman?
tila 'di na nirespeto
hindi na iginalang
tayo ba ay bansa
ng mga utu-uto at tanga?
nilalapastangan tayo
pero di umaalma
ito ay isang pagsusulit
gamitin ang pag-iisip
sinasampal tayo ng harap-harapan
tayo ba'y tatahimik na lamang?
----------------------------
Roy
December 1, 2009
10:17 PM
Angeles City
Philippines
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)