Ipinapakita ang mga post na may etiketa na garapal. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na garapal. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Disyembre 1, 2009

Sampal!

sampal sa katinuan!
iyo bang naramdaman?
tila 'di na nirespeto
hindi na iginalang

tayo ba ay bansa
ng mga utu-uto at tanga?
nilalapastangan tayo
pero di umaalma

ito ay isang pagsusulit
gamitin ang pag-iisip

sinasampal tayo ng harap-harapan
tayo ba'y tatahimik na lamang?

----------------------------
Roy
December 1, 2009
10:17 PM
Angeles City
Philippines