Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Eleksyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Eleksyon. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Mayo 14, 2013

Malayo Ka Pa, Juan



Malayo Ka Pa, Juan
ni Roy dela Cruz

Kumusta ka na, Juan?
Marami ka bang natutunan?
Tila meron yatang kulang
Meron ka yatang gustong balikan

Alam kong ika’y matalino
Madali ka naman matuto
Pero ba’t ka ganyan, Juan?
Makakalimutin ka kung minsan

Malayo ka pa, Juan
Kay dami pang dapat pag-aralan
Nakikiusap ang iyong bayan
Imulat mo ang iyong isipan

Malayo ka pa, Juan
Huwag itapon ang ‘yong natutunan
Sayang ang nakaraan
Huwag mo na sanang balikan

Malayo ka pa, Juan
Huwag itapon ang natutunan

-------------------------------
May 14, 2013
7:47 p.m.
Angeles City
Philippines