Sabado, Setyembre 12, 2009

Panulat na nakapara, papel na umaasa

Panulat na nakapara, hindi makahabi kahit isang salita
Ni ayaw na dumantay ng labing may tinta sa papel na umaasa
Ito’y nanatiling maputi, ito’y nanatiling malinis
Ngunit ‘di naman ‘yon ang layon, hindi iyon ang nais

Nasaan na mga nimfa na nagbibigay inspirasyon sa makata?
Sa kanilang mga awitin na sadyang kahali-halina
At sinasabayan pa ng tugtog ng kanilang mga lira
Bakit ngayo’y nakakabinging katahimikan ang siyang kasa-kasama?

Ang blankong papel, patuloy na umaasa at naghihintay
Nakikiramdam sa panulat, bakit ayaw dumantay?
Ang basal nitong kaputian ay naghihintay na madungisan
Nang salita ng makatang tila ngayo’y nagugulumihan

Sinubukang i-angat ang panulat na nakapara
Upang sumulat ng kahit man lang maikling tula
Ngunit blankong kawalan lamang ang tanging nararamdaman
Papel na umaasa’y nanatili pa rin ang angking kalinisan

-------------------------------------------
Roy
September 12, 2009
7:35 PM
Angeles City
Philippines

6 (na) komento:

pamatayhomesick ayon kay ...

pwede rin palang makasulat ang walang maisulat sa papel na umaasa.;)

Roy ayon kay ...

hahaha!

salamat sa comment pareng ever!

mizdi ayon kay ...

ang lalim/ wala pang maisulat yun/ yun lagay na yun/
pano na pag dumating ang inspirasyon? / #haiku-kuno

Roy ayon kay ...

wow! maraming mizdi sa iyong pagdalaw, pagbasa, at pag-comment sa aking hamak na blog ;)

Jena Isle ayon kay ...

Hala Bira, umarya na ang makata! Mabuhay ka Kabalen!

Roy ayon kay ...

Hi Jena!

Salamat! Kapag walang maisulat, tumula na lang hehe...