sampal sa katinuan!
iyo bang naramdaman?
tila 'di na nirespeto
hindi na iginalang
tayo ba ay bansa
ng mga utu-uto at tanga?
nilalapastangan tayo
pero di umaalma
ito ay isang pagsusulit
gamitin ang pag-iisip
sinasampal tayo ng harap-harapan
tayo ba'y tatahimik na lamang?
----------------------------
Roy
December 1, 2009
10:17 PM
Angeles City
Philippines
6 (na) komento:
Iba talaga ang dating ng sariling wika. May dating. Umaangil sa ere bawat hagupit. Pag di naman ay nakakapanindig balahibo lalo na kung swabe ang haplos.
Teka bat nauwi sa haplos? Ahahaha.
Love it. Di nakatali sa iisang pakuhulugan. Ano ba ang levels sa tagalog? Ahehehe. Yun na yun. :)
hahaha!
ang bilis mo Jan!
ang kagandahan ng tula, ito ay umaabot sa dapat niyang abutan, nauunawaan ng dapat makaunawa
salamat Jan!
Meaning? he he he...pati Kapampangan mo ang galing mo.
Linguist???
salamat Jen!
minsan kasi hindi lang iisa ang daan patungo sa nais nating puntahan ;)
May 2010. May panahon pa para makatikim ng sampal sa katinuan ang marami sa kababayang nagbebenta ng kaluluwa at nagpapauto sa mga hunyango. Pero who are we kidding? Ritwal na yata sa kasaysayan natin maging kapus-palad sa mga lider na niluluklok natin sa pwesto?
nakakalungkot isipin Jan... parang ang nagiging theme song natin ay ang awitin nin Gary Valenciano... Di Na Natuto...
Mag-post ng isang Komento