Biyernes, Setyembre 14, 2012

Kumusta Ka Hudas?


Titulo yan nang isang pelikula nuong dekada 80 (o 90's yata, di rin ako sure). Hindi ko na rin matandaan kung sino ang artistang gumanap dahil hindi ko naman napanood. Pero alam ko action film yon at base sa title, parang alam na rin natin kung ano ang takbo ng istorya.

Pero walang kinalaman ang pelikulang yun sa sinusulat kong ito. Napagdiskitahan ko lang ang titulo kasi may naaalala ako.

Sino nga ba sa panahong ito ang hindi nakaranas ng nasaksak ng patalikod ng isang taong pinagkatiwalaan niya? Siguro, lahat tayo may kakilalang ganyan - traydor, ika nga.

Minsan mababaw, minsan malalim ang sugat na iniiwan ng pagta-traydor na ito.

Iba-ibang kwento, iba-ibang pangyayari.

Oo, naranasan ko rin ito. Kamakailan lang.  Ayoko nang idetalye, hindi na yun mahalaga. Ang importante, nakikilala natin ang pagkatao nila.

Pero yun nga, kadalasan na tawag natin sa kanila Hudas, hindi ba? Kasi si Hudas ay siyang nagkanulo kay Hesus, ayon sa Biblia.

Kaya lang, naisip ko lang. Hindi ba minsan parang napaka-unfair naman natin kay Hudas? Kasi nga kapag traydor ang tawag natin sa kanila Hudas.

Bakit unfair?

Kasi si Hudas, sa huli nagsisi naman siya.

Yun lang po.



Walang komento: