Ipinapakita ang mga post na may etiketa na poor. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na poor. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Pebrero 5, 2013

Bakit hindi parehas ang buhay?

Bakit kaya ganun?

Bakit kaya ang ibang tao, sobra-sobra ang biyaya nila? Ang iba naman, halos hindi alam kung paano makakatawid sa buhay.

May mga ibang tao kung magtapon ng pera sa good time at bisyo nila, ganun-ganun na lang. Parang pinupulot lang nila ang pera.

Yung iba naman, ni hindi alam kung saan kukunin ang susunod na pagkain ng pamilya nila, pambayad sa eskwelahan, o madalas napuputulan pa ng kuryente dahil nga walang pambayad.

Bakit kaya yung mga sobra-sobra hindi na lang pwedeng magbigay dun sa mga kapos? Bakit hindi pwedeng lahat makaraos? Bakit hindi pwedeng lahat maging masaya?

Alam ko, sasabihin ng iba, pinaghirapan nila yun at karapatan nilang gastusin yun sa ano mang paraan na gusto nila. Wala silang obligasyon dahil hindi naman nila kasalanan na naghihirap ang ibang tao. At saka, kaya daw mahirap yung iba ay dahil tamad silang magbanat ng buto.

May katotohanan siguro yun. Pero hindi lahat ng naghihirap ay tamad. Marami ang talagang minamalas o di kaya ay pinagsasamantalahan at inaabuso ng mga ibang mapanlinlang at pinapalabas na utang na loob pa nila kung makakatanggap sila ng kakarampot na sweldo.

Ewan. Opinyon ko lang yun. Maaring hindi nga kasalanan ng meron ang mawalan ang mga wala. Pero hindi rin naman masamang tumulong kung may pagkakataon, di ba?

Hindi ko sinasabing abusuhin sila, kung hindi tulungan yung mga dapat na tulungan. Yung mga nagsisikap, at hindi naman yung mga naghihintay na lang ng ambon ng grasya.

Hindi siguro talaga pantay ang buhay... pero sana lang, maiwasan ang pagiging maramot at makasarili.

Hindi lang naman sila ang anak ng Diyos.

Pero sabi nga nila, talaga daw hindi pantay ang patak ng ulan.

Ewan, naguguluhan na rin ako sa isinusulat ko.

Pautang na lang!

Biyernes, Mayo 15, 2009

Double standard ng lipunan

May double standard nga ba ang lipunan? Hindi nga ba pareho ang pagtingin sa mayaman at mahirap.

Heto ang nakita ko sa internet na nagpapatunay na mayroon nga yatang iba-ibang pananaw sa mga bagay, depende sa kung kanino ito tumutukoy, sa mayaman o mahirap.

Heto sila:

Kung mayaman ka, meron kang "allergy"
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang"

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress"
Sa mahirap, "sira ang ulo"

Kung mayaman ka, "pneumonia" daw ang sakit mo
Kung mahirap, "TB" yon

Sa mayaman, "hyperacidity"
Kapag mahirap, "ulcer" dahil walang laman ang tiyan

Sa mayamang "malikot ang kamay", ang tawag ay "kleptomaniac"
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"

Pag mayaman ka, you're "eccentric"
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad"

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine"
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom"

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic"
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba"

Kung ang seƱorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "sun tanned"
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga"

Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite"
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot"

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump"
Kapag mahirap ka, ika'y "tabatsoy" o "lumba-lumba" ...pagminamalas ka, "baboy"

Kapag mayaman, "fasting" ang hindi kumain
Kung mahirap, "nagtitiis"

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay "socialite"
Kung mahirap ka, ikaw ay "pakawala" o "pok-pok"

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay "liberated"
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo "malandi"

Kapag mayaman, "misguided" o "spoiled" ka
Kung mahirap ka, "addict" o "durugista"

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo "single parent"
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo "disgrasyada"

Kapag mayaman at sexy, "fashionable" daw
Kung mahirap, sigurado "GRO" o "japayuki" ka

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, "vegetarian"
Habang kakaawa ang mahirap na " kumakain ng damo."

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay "bastos!"

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood"
Ang mga mahihirap ay "gumugurang"

Ang anak ng mayaman ay "slow learner"
Ang anak ng mahirap ay "bobo"

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says, "masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking"
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom"

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang tawag sa iyo "expat"
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "contract worker"

Meron pa ba kayong ibang mga bagay na nagpapakita ng double standard ng lipunan?