Maliban sa
laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton, ang isa pang malaking bagay na tuloy na tuloy na ngayong taon ay ang
Eraserheads Reunion Concert Part 2 na pinamagatang
The Final Set.
Hmmm... ibig bang sabihin nuon e yung final set na lang ng
unang Reunion Concert ang gagawin ng
Eraserheads ngayon?
Matatandaan na nuong unang reunion concert e nabitin ang mga nanonood dahil biglang tinigil ang concert sa kalagitnaan dahil kailangang itakbo sa hospital ang lead vocalist ng banda na si
Ely Buendia. Hindi na rin lingid sa mga fans niya na may sakit siya.
Bagama't nabitin ay walang nagalit, nag-ingay o nagwala sa mga nanood. Tahimik lang silang umalis na nag-aalala sa kalagayan ng kanilang idolo.
Pero ngayon ay maayos na si Ely at uulitin nila ang kanilang nabitin na concert para sa kanilang mga fans. Ito ay gaganapin sa
March 7, 2009 sa
Mall of Asia Concert Grounds, alas otso ng gabi (
8PM). Ang mga tickets ay mabibili sa mga
Ticketworld outlets.
Ang iba pang miyembro na bumubuo sa Eraserheads as sina
Raimund Marasigan,
Buddy Zabala at
Marcus Adoro. Isa sila sa pinakamainit na Pinoy Rock band nuong 1990's at nabansagan ding '
The Beatles of the Philippines'
Ang grupo ay naghiwa-hiwalay nuong 2002.
Bagama't wala na ang kanilang banda, ang kanilang mga awitin at musika ay patuloy pa ring nabubuhay.