Nakakatawa, pero nakakainis din kung minsan. Napapansing ko lang (ba't ko pa kasi pinapansin, pwede naman hindi), bakit kaya ang daming basagan ng trip sa facebook?
Andyan ang mga wall post, mga fan page at mga group... mga banat na panira o pang-okray, ika nga, na hindi mo alam kung sinong pinapatamaan o may pinapatamaan... na matay ko mang isipin, sa tingin ko hindi naman sila napeperwisyo.
Hindi mo ba nalalaman ang sinasabi ko? Bibigyan kita ng example.
Andyan ang banat na Hindi ka maganda, maputi ka lang!, meron ding Hindi komo may dslr ka, photographer ka na! at marami pang iba, hindi ko lang matandaan yung iba.
Naisip ko lang, napeperwisyo ka ba? O may kasamang inggit ang banat?
Di nga ba ang Facebook as social media at hindi okray media? Ito ay isang channel o medium para makipag-kaibigan, mahanap ang matagal nang hinahanap na kaibigan o kaklase at makausap na rin ang mga kamag-anak na malalayo.
Pero bakit ganun? Imbes gamitin ito sa positibong paraan, may mga ganung banat? Ang iksi nang buhay, di ba? Bakit hindi pwedeng maging positive lahat? Ang dami na ngang masasamang nangyayari sa paligid, pati sa internet dadalhin pa rin.
Kyut ba?
Iyun marahil ang iniisip ng iba. Pampa-kyut lang, walang malisya. Sana nga.
Ang masama nito, dahil sa pagsulat ko nito parang nagiging isa na rin ako sa kanila... bumabasag sa trip ng iba.
Napeperwisyo ba nila ako? Sa tutuo lang, hindi rin, pero hindi mo kasi maiwasan mapansin e.
Mas maganda sana kung puro positive na lang, di ba?
Hay naku! Umiiral na naman pagiging idealistic ko.
Tama na nga. Wala naman nakikinig e.