Ipinapakita ang mga post na may etiketa na facebook. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Oktubre 23, 2012
Anong pakialam mo?!
Walang basagan ng trip!
Simple lang naman, di ba? Kung hindi ka naman napeperwisyo at hindi ka naman apektado, hindi ka naman dapat nagre-react.
In short, anong pakialam mo?!
Ang tinutukoy ko ay yung mga kung anu-anong pino-post sa Facebook, Twitter at iba pang mga online social networks. Kanya-kanyang trip lang naman yan e. Pero minsan kasi, ewan ko lang kung bakit, ang hilig makialam at mambasag ng trip ng iba.
E ano kung post siya ng post ng mga pictures ng mga pagkain niya bago niya kainin? Ano bang pakialam mo?! Inggit ka ba o natatakam?
E ano kung ang bawat galaw at kilos niya, at kung anuman ang ginagawa niya pino-post niya? Ano bang pakialam mo?! E di mag-post ka rin pati pag-dighay mo at pagkilig mo… pagkatapos mo umihi.
E ano kung sulat siya ng sulat ng ka-emohan at kung anu-ano pang drama sa FB niya? Ano bang pakialam mo?! E di dramahan mo rin! Mas dramahan mo ang sa ‘yo para matalo siya!
E ano kung post siya ng post ng mga inspirational quotes, bible quotes, funny quotes, love quotes, o kung anu-ano pang nakakata-quote? Ano bang pakialam mo?! Binabasa mo rin naman yun e. Aminin!
At kung anu-ano pang ka-ek-ekan at ka-eklatan na pino-post at pinagsusulat ng iba sa profile nila. Kung hindi rin lang naman nakakasakit o nakaka-perwisyo, hayaan mo na lang. Walang basagan ng trip, di nga ba? Scroll down ka na lang at dedmatic to the max.
Hindi sa kanila umiikot ang mundo mo!
Higit sa lahat, hindi lahat ng mga nababasa mong posts e para sa ‘yo! Wag kang assuming!
Pero kung tutuusin, ba’t ba ako nagre-react dun sa mga nagre-react? Ano bang pakialam ko?!
Lunes, Pebrero 28, 2011
Ang pag-emo sa facebook...
May mga natutuwa, may mga na-a-aliw, may mga naiinis, at mayroon rin naman na dedma at "wapakels" ika nga. Walang pakialam kahit na ano pa ang mangyari, at ano pa ang sabihin ng iba.
Ang binabangit ko ay ang pag-emo sa facebook.
Oo, yun mismo!
Sino pa ba ang walang account sa facebook ngayon? Yun na lang sigurong hindi marunong mag-computer o yung mga hindi pa nakakarinig ng Internet. Pero halos lahat mayroon nang facebook account ngayon, di ba?
At ang facebook ay parang pag-silip na rin sa buhay ng isang tao. Malalaman mo kung ano ang nangyayari sa kanya, ano ang kanyang nararamdaman. Ultimo ulam na kinain niya kaninang almusal, tanghalian o hapunan ay malalaman mo... kahit na hindi mo naman talagang gustong malaman.

Labels:
drama,
emo,
facebook,
fb,
fb wall,
illusion,
istorya,
kwento,
social media,
status update,
true life
Martes, Abril 27, 2010
Social media, hindi "okray" media
Nakakatawa, pero nakakainis din kung minsan. Napapansing ko lang (ba't ko pa kasi pinapansin, pwede naman hindi), bakit kaya ang daming basagan ng trip sa facebook?
Andyan ang mga wall post, mga fan page at mga group... mga banat na panira o pang-okray, ika nga, na hindi mo alam kung sinong pinapatamaan o may pinapatamaan... na matay ko mang isipin, sa tingin ko hindi naman sila napeperwisyo.
Hindi mo ba nalalaman ang sinasabi ko? Bibigyan kita ng example.
Andyan ang banat na Hindi ka maganda, maputi ka lang!, meron ding Hindi komo may dslr ka, photographer ka na! at marami pang iba, hindi ko lang matandaan yung iba.
Naisip ko lang, napeperwisyo ka ba? O may kasamang inggit ang banat?
Di nga ba ang Facebook as social media at hindi okray media? Ito ay isang channel o medium para makipag-kaibigan, mahanap ang matagal nang hinahanap na kaibigan o kaklase at makausap na rin ang mga kamag-anak na malalayo.
Pero bakit ganun? Imbes gamitin ito sa positibong paraan, may mga ganung banat? Ang iksi nang buhay, di ba? Bakit hindi pwedeng maging positive lahat? Ang dami na ngang masasamang nangyayari sa paligid, pati sa internet dadalhin pa rin.
Kyut ba?
Iyun marahil ang iniisip ng iba. Pampa-kyut lang, walang malisya. Sana nga.
Ang masama nito, dahil sa pagsulat ko nito parang nagiging isa na rin ako sa kanila... bumabasag sa trip ng iba.
Napeperwisyo ba nila ako? Sa tutuo lang, hindi rin, pero hindi mo kasi maiwasan mapansin e.
Mas maganda sana kung puro positive na lang, di ba?
Hay naku! Umiiral na naman pagiging idealistic ko.
Tama na nga. Wala naman nakikinig e.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)