Linggo, Enero 11, 2009

Ang buhok... bow!

Nitong nakaraang Linggo, balita ang paghihiwalay ni Jolina Magdangal at ng kanyang long-time boyfriend (ano na nga bang pangalan? pasensya na kayo, di talaga ako showbiz e). At base sa kanyang mga interview, kitang-kita na nasaktan siya sa hiwalayan at parang nahihirapan pa.

Pero dahil artista siya, at 'the show must go on' ika nga, kanina sa SOP, parang walang anumang nangyari na kumanta siya at naghost. Masaya at bibong-bibo pa rin na katulad nang dati.

Di ako fan ni Jolina at di ito tungkol sa kanya. Maganda lang siyang introduction kasi napansin ko nga sa SOP kanina, iba ang buhok niya - maiksi at tumatayo-tayo pa! Parang spike na alanganin na hindi sinuklay.

At nakita nyo naman siguro sa title pa lamang, tungkol sa buhok ang topic na ito... buhok sa ulo, saan pa?! Ano bang iniisip mo?!

Bakit ko naisip magsulat tungkol sa buhok? Kasi nga, dun sa nakita kong buhok ni Jolina, biglang sumagi sa isip ko...

Bakit nga ba ang babae? Kapag kaka-split lang sa boyfriend, sa asawa, o kahit hindi hiwalay, kahit nag-away lang sila... ang buhok ang napagbabalingan nila? Isa ba itong paraan ng pagrerebelde? Pagmamatigas? O para pasakitan ang kanilang minamahal?

Pansinin mo, kundi umiiksi ang buhok, pinapakulot. O di kaya'y pinapakulay o pinapa-ayos na parang out-of-this-world. At mas malamang kesa hindi, yun ang ayaw na ayaw na gagawin ng boyfriend o ng mister niya sa buhok niya.

Tama ba ako o tama ako?

Bakit nga kaya? Ang buhok na walang kamalay-malay ang napagdidiskitahan ng babae sa tuwing siya'y nagagalit, nasasaktan, sumasama ang loob, at kahit minsan na masaya siya, buhok pa rin ang pagbabalingan.

Tama ba ang obserbasyon ko? O ako lang ang nakakapansin nito?

Ang buhok... bow!

(sa ulo sabi e!)

Walang komento: