Miyerkules, Enero 7, 2009

Ano ito? Bagong blog na naman?!

Ano na naman ito?! Bago na namang blog?

Kailangan ba talaga nito?

Ewan ko ba, di ko napigilan sarili ko. Sa dinami-dami na nang blog ko, kinailangan ko pang gumawa ng isa. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko e.

Tagalog pa ngayon!

Alam mo, atin-atin lang, dinudugo na rin ilong ko paminsan-minsan sa kaka-English ko sa iba kong blog, kaya siguro naisipan kong gumawa ng isa pang blog... na Tagalog naman ngayon.

Pero may Kapampangan blog na ako di ba? E Kapampangan nga yon e, Tagalog naman ito! Obviously magkaiba.

Tignan mo naman, pangalan pa lang ng blog, halatang walang maisip na maganda na. Etsetera! Etsetera!

Wala lang, kinati lang talagang gumawa ng Tagalog na blog.

Ano naman kaya ang magiging laman nito?

Ano pa? Kundi etsetera at etsetera! Halo-halo na! Seryoso o hindi, tutuo o kababalaghan. Kabaliwan o ano pa man.

Andyan na yan e.

Ituloy na natin ito.

Etsetera! Etsetera!

Wala lang.

Walang komento: