Biyernes, Enero 23, 2009

Manny Pacquiao vs Ricky Hatton - tuloy na!!!!!

Tuloy na tuloy na!

Teka, tutuo na ba?

Oo! Pumirma na si Manny Pacquiao sa kanilang laban ni Ricky Hatton at ang dalawang magigiting na boksingero na hindi masyado pinagtutuunan ng pansin ang pera, bagkus ay lumalaban para maipakita kung sino ang mas magaling, ay maghaharap sa May 2, 2009 sa Las Vegas.

Pacquiao-Hatton match o Hatton-Pacquiao match, depende kung nasaang bansa ka, pero tuloy na tuloy na ito at kung walang aberyang mangyayari, may isang araw na naman tayong aabangan sa Pilipinas na walang trapik at walang krimen.

Abangan na lang natin kung sino ang mananalo! (teka, importante pa ba yun?)

Walang komento: