Martes, Oktubre 23, 2012

Anong pakialam mo?!


Walang basagan ng trip!

Simple lang naman, di ba? Kung hindi ka naman napeperwisyo at hindi ka naman apektado, hindi ka naman dapat nagre-react.

In short, anong pakialam mo?!

Ang tinutukoy ko ay yung mga kung anu-anong pino-post sa Facebook, Twitter at  iba pang mga online social networks. Kanya-kanyang trip lang naman yan e. Pero minsan kasi, ewan ko lang kung bakit, ang hilig makialam at mambasag ng trip ng iba.

E ano kung post siya ng post ng mga pictures ng mga pagkain niya bago niya kainin? Ano bang pakialam mo?! Inggit ka ba o natatakam?

E ano kung ang bawat galaw at kilos niya, at kung anuman ang ginagawa niya pino-post niya? Ano bang pakialam mo?! E di mag-post ka rin  pati pag-dighay mo at pagkilig mo… pagkatapos mo umihi.

E ano kung sulat siya ng sulat ng ka-emohan at kung anu-ano pang drama sa FB niya? Ano bang pakialam mo?! E di dramahan mo rin! Mas dramahan mo ang sa ‘yo para matalo siya!

E ano kung post siya ng post ng mga inspirational quotes, bible quotes,  funny quotes, love quotes, o kung anu-ano pang nakakata-quote? Ano bang pakialam mo?! Binabasa mo rin naman yun e. Aminin!

At kung anu-ano pang ka-ek-ekan at ka-eklatan na pino-post at pinagsusulat ng iba sa profile nila. Kung hindi rin lang naman nakakasakit o nakaka-perwisyo, hayaan mo na lang. Walang basagan ng trip, di nga ba? Scroll down ka na lang at dedmatic to the max.

Hindi sa kanila umiikot ang mundo mo!

Higit sa lahat, hindi lahat ng mga nababasa mong posts e para sa ‘yo! Wag kang assuming!

Pero kung tutuusin, ba’t ba ako nagre-react dun sa mga nagre-react? Ano bang pakialam ko?!

Walang komento: