Ipinapakita ang mga post na may etiketa na news. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na news. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Marso 15, 2009

Gordon, wala sa listahan ng mga pwedeng manalo - napikon!

O, di ba? Tabloid na tabloid ang dating! hehe...

Natatawa talaga sa nabasa kong balita sa dyaryo, kung saan hindi kasama si Senator Gordon sa listahan ng mga top presidentiables. Kaya sa nainis siya at sinabi niyang, "People -- not survey -- elect leaders!"

O di ba? Ang taray!

Sabagay tutuo naman. Kung dangan kasi itong Pulse Asia, nilabas-labas pa ang resulta ng survey. Banat pa ni Gordon, kung ganyan din lang daw ang labanan - popularidad, "let's not have elections anymore, but coronations."

Sabi nga nila, kung sino daw ang nagsagawa ng survey, yun ang nagta-top. Di kaya siya magpagawa ng sarili niyang survey?

Sa tutuo lang, sa apatnapung taon ko dito sa mundong ibabaw, wala pa akong personal na nakikita sa mga survey na iyan. Kaya di alam kung tutuo yan o hindi. Baka parang Family Feud lang yan, na kunwari may survey pero parang sila-sila lang din sumasagot :)


Hay naku, talagang malapit na nga ang 2010 Election!

Sabado, Enero 24, 2009

Pilipinas, pasok ulit sa Guinness: Most killings in 2004

May bagong record at Pilipinas at pasok na naman ang ating bansa sa bagong Guiness book of world records.

Ito ang aking nabasa pagbukas ko ng aking computer sa News Feature ng Philippine Star, na ang Pilipinas ay may bagong record at ito ay ang pinakamaraming naitalang pagpatay o murder sa taong 2004.

Ang 2004 ay taon ng eleksyon, bagama't maari rin namang hindi lahat ng naitalang krimen nuon ay may kinalaman sa eleksyon. Ang Guiness ay nagbase sa datos na nagmula sa United Nations 2004 figure kung saan nakatala na 3,515 ang naiulat na pagpatay sa taong iyon.

Ilan pa kaya ang hindi pa na-i-report para taong yun?

Lagi nating gustong pumasok sa aklat ng mga world records, maging ito man ay Guinness o Ripleys.

Pero ang makilala sa pagkakaroon ng maraming insidente ng pagpatay ay hindi nakakatuwa.