Ipinapakita ang mga post na may etiketa na politics. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na politics. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Mayo 10, 2013

Iisang Boto Lang Ako



Iisang Boto Lang Ako
ni Roy dela Cruz

Iisang boto lang ako
Iisang pangalan lamang
Ang aking desisyon
Makakatulong ba?
O hindi rin kawalan?

At dahil isang boto lamang
Di na dapat pahalagahan
Bumulong man o sumigaw
Ay di na dapat pakinggan
Dahil ako'y isang tinig lamang

Minaliit na kakayahan
Ay isang pag-gising lamang
Na ang isang boto pala
Ay tilamsik lang sa kawalan
Walang halaga... walang timbang

Buhay ko... bayan ko...
Kinabukasan ng mga anak ko
Nakasalalay sa isang boto lamang
Isang guhit sa talaan
Wala ba itong kahulugan?

Pagkatao ko sana'y igalang
Talino ko'y huwag tatapakan
Desisyon ko ay pinag-iisipan
Parang sinampal ako ng harapn
Kapag sinabing ako'y isang boto lamang

---------------------------------------
May 11, 2013
12:03 p.m.
Angeles City
Philippines


Sabado, Abril 20, 2013

Aasenso ba ako kapag binoto kita?

Sagutin mo nga ang tanong ko... aasenso ba ako kapag binoto kita?

Yung tutuo. Hindi nga?! Yung tutuo lang.

Para kanino ba yang ginhawa na pinapangako mo? Para sa akin ba o sa pamilya mo lang?

Napapansin ko lang kasi, paganda ng paganda ang buhay mo habang ako, palubog naman ng palubog sa utang.

Hindi naman sa sinisisi kita. Ni ayoko ngang umasa sa ‘yo e! Pero hindi naman ako tamad at halos magkanda-kuba na ako sa pagta-trabaho ko, pero ganun pa rin!

Lunes, Marso 11, 2013

Kunwari lang...

Pangako... mula noon... lagi na lang... di na tayo natuto... o sadya na bang walang pag-asa?

Bakit naman kasi walang mapag-pilian? Kung meron man iba, hindi sikat kaya mahina o kaya sinasabihan pa na may topak, kaya nadi-declare na nuisance lang.

Kaya  naka-stock tayo sa mga pamilyar na mukha at pangalan, at kanilang mga taga-pagmana, upang ipag-patuloy ang nasimulan... ang mga pangako ng kanilang mga magulang.

Kunwari... sila ang pag-asa

Tamang-tama ang awitin ni Gloc-9 at ng Kamikaze, di ba?


Kunwari lang... kunwari lang ang lahat...


Huwebes, Agosto 13, 2009

Aba! Nag-text sa akin si BF!

Nuong isang araw, may natanggap akong text message. Hindi naka-register sa akin ang number.

Binasa ko at nagulat ako nuong makita ko kung sinong nag-text!

Heto ang sabi ng text message:

Ang pinakamagandang pamana sa ating mga anak ay ang kaligayahan natin ngayon. Sa POLITICAL WILL, at sa paniniwalang ito, ay titino tayo -Chairman Bayani Fernando


Aba! Tignan mo nga naman!

Paano kaya niya nakuha ang number ko?

Magre-reply sana ako, kaya lang wala naman siyang sinabing "Txtbk pls"

Linggo, Marso 15, 2009

Gordon, wala sa listahan ng mga pwedeng manalo - napikon!

O, di ba? Tabloid na tabloid ang dating! hehe...

Natatawa talaga sa nabasa kong balita sa dyaryo, kung saan hindi kasama si Senator Gordon sa listahan ng mga top presidentiables. Kaya sa nainis siya at sinabi niyang, "People -- not survey -- elect leaders!"

O di ba? Ang taray!

Sabagay tutuo naman. Kung dangan kasi itong Pulse Asia, nilabas-labas pa ang resulta ng survey. Banat pa ni Gordon, kung ganyan din lang daw ang labanan - popularidad, "let's not have elections anymore, but coronations."

Sabi nga nila, kung sino daw ang nagsagawa ng survey, yun ang nagta-top. Di kaya siya magpagawa ng sarili niyang survey?

Sa tutuo lang, sa apatnapung taon ko dito sa mundong ibabaw, wala pa akong personal na nakikita sa mga survey na iyan. Kaya di alam kung tutuo yan o hindi. Baka parang Family Feud lang yan, na kunwari may survey pero parang sila-sila lang din sumasagot :)


Hay naku, talagang malapit na nga ang 2010 Election!

Lunes, Enero 19, 2009

Magpupuyat ka ba para kay Obama?

Habang hindi pa rin ayos ang usapan sa laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton (akala ko nung una, ayos na, tapos sumunod na balita hindi pa daw pumapayag si Pacman) dahil di magkasundo sa hatian ng pera. Pagtuunan muna natin ng pansin ang inagurasyon ni Barack Obama.

Bakit nga kaya? Sa dinami-dami ng naging presidente ng Amerika, mukhang pinaka-sikat itong si Obama? Dati pagkatapos malaman kung sinong panalo sa eleksyon nila, halos wala nang pakialam ang buong mundo?

Pero ngayon, ang daming nakatuon ang pansin kanyang inagurasyon bukas. Ang daming gustong manood, ang daming gustong makibalita, ang daming gustong makisawsaw, ang daming gustong mag-blog! (isa na pala ako dun)

Aba! Kung ginawang pay-per-view ito, tatalunin ang kita nina Pacquiao at Dela Hoya.

Anong oras na nga ba? Lekat, bakit ba hindi ko na mamemorize ang time difference ng Pilipinas sa Amerika? (kasi wala akong pakialam)

Pero ang ibinabalita kagabi sa channel 7 (walang ibang makuhang istasyon ang TV ko e) e madaling araw daw e. Magising kaya ako? Manood kaya ako?

Teka, may mapapala ba ako?

Ikaw? Handa ka bang magpuyat para kay Obama?

Biyernes, Enero 9, 2009

Bago pa magkalimutan... mabuti na yung may pa-alala

Masyado nang mga maraming pangyayari ngayon sa ating kapaligiran. At medyo natatabunan na naman ang isyu ng Cha-Cha.

Tapos na nga kaya? Alam naman natin na hindi pa. Parang 5-star lang yan na naka-timing ang mitsa... akala mo ay wala na. Tapos biglang puputok nang hindi mo inaasahan.

Gulat ka siyempre! Kaya hindi ka na makaka-react.

Aba! Delikado yan, at baka magkatutuo ang dasal ng ibang tao.

Kaya mabuti na ang pina-aalalahanan tayo, mahirap na, baka makalimutan natin... at hindi na mapaghandaan.



Kung hindi nyo pa naikalat sa blog nyo yan... ilagay nyo na... hindi pa tapos ang boksing