Linggo, Marso 15, 2009

Gordon, wala sa listahan ng mga pwedeng manalo - napikon!

O, di ba? Tabloid na tabloid ang dating! hehe...

Natatawa talaga sa nabasa kong balita sa dyaryo, kung saan hindi kasama si Senator Gordon sa listahan ng mga top presidentiables. Kaya sa nainis siya at sinabi niyang, "People -- not survey -- elect leaders!"

O di ba? Ang taray!

Sabagay tutuo naman. Kung dangan kasi itong Pulse Asia, nilabas-labas pa ang resulta ng survey. Banat pa ni Gordon, kung ganyan din lang daw ang labanan - popularidad, "let's not have elections anymore, but coronations."

Sabi nga nila, kung sino daw ang nagsagawa ng survey, yun ang nagta-top. Di kaya siya magpagawa ng sarili niyang survey?

Sa tutuo lang, sa apatnapung taon ko dito sa mundong ibabaw, wala pa akong personal na nakikita sa mga survey na iyan. Kaya di alam kung tutuo yan o hindi. Baka parang Family Feud lang yan, na kunwari may survey pero parang sila-sila lang din sumasagot :)


Hay naku, talagang malapit na nga ang 2010 Election!

1 komento:

Smdr_25 ayon kay ...

Yup... lahat ng sinabi ni Gordon ay totoo... haha. Kaya siya hindi nagpapagawa ng mga surveys is, hindi nga ito totoo... haha. Tingin ko talaga... Yung resulta ng 2010 Elections sa June, ikakagulat ng marami... kasi diba, surveys are not real... Kutob ko talaga... may Possibiliting manalo si Gordon... nakikita na kasi ng marami na magaling siya eh. and Swear... AYOKO KAY VILLAR! MAS LALO NA KAY NOYNOY! SILA YUNG MGA TAONG WALANG "MALAKING" NAGAWA... SIGURO SI VILLAR, MERON... PERO HINDI NIYA MAGAGAWA YUN KUNG WALA SIYANG PERA! AND FOR NOYNOY... NAKO...... ABNO! MAS WALANG NAGAWA!