Lunes, Pebrero 28, 2011

Ang pag-emo sa facebook...

May mga natutuwa, may mga na-a-aliw, may mga naiinis, at mayroon rin naman na dedma at "wapakels" ika nga. Walang pakialam kahit na ano pa ang mangyari, at ano pa ang sabihin ng iba.

Ang binabangit ko ay ang pag-emo sa facebook.

Oo, yun mismo!

Sino pa ba ang walang account sa facebook ngayon? Yun na lang sigurong hindi marunong mag-computer o yung mga hindi pa nakakarinig ng Internet. Pero halos lahat mayroon nang facebook account ngayon, di ba?

At ang facebook ay parang pag-silip na rin sa buhay ng isang tao. Malalaman mo kung ano ang nangyayari sa kanya, ano ang kanyang nararamdaman. Ultimo ulam na kinain niya kaninang almusal, tanghalian o hapunan ay malalaman mo... kahit na hindi mo naman talagang gustong malaman.


At yun nga, siyempre hindi mawawala ang pag-e-emo sa facebook (fb na nga lang, haba ng facebook!). Yung mga walang takot na ipahayag kung ano ang kanilang nararamdaman, kung gaano kasama ang kanilang nararamdaman, kung gaano sila kagalit sa kasalukuyan.... at ang mga hinayupak na nang-i-inggit na sinasabi kung gaano sila ka-in-love!

Halo-halo, samut-sari. Mga drama at pangyayari sa tutuong buhay... at hindi rin naman mawawala siyempre, ang mga pawang ilusyon lamang.

Lahat ng iyan, makikita, mapapanood, at mababasa sa isang munting bintana na kung tawagin ay... fb wall.

Walang komento: