Linggo, Agosto 28, 2011

Linggo, Hulyo 31, 2011

Pansamantalang paalam....

Pansamantala lamang naman talaga... hanggang makakita ako ng solusyon sa problema ko.

Ako pa?! Hindi ko kailanman matatalikuran ang pagsusulat sa blog. Bagama't inaamin ko na madalang na lang akong magsulat ngayon, hindi ibig na kinatatamaran ko na ito. Abala lang talaga akong masyado.

Pero ngayon, mukhang mas magiging madalang pa... dahil sa mga hindi maiiwasang pangyayari.

Kaya't hanggang sa susunod

Kitakits na lang!

Sabado, Hulyo 9, 2011

Walang ganang sumulat

Walang ganang sumulat
Walang ganang tumula
Naubos na ang rima
Natuyo na ang luha
Hapo na ang isipan
Pati ang katawang lupa
Kaya't wala nang maisulat
Ang malungkot na makata

------------------------------
Roy
July 9, 2011
10:31 p.m.
Angeles City
Philippines

Sabado, Hunyo 25, 2011

Sa akin ang Pinas

Natatawa lang ako nang makita ang commercial na ito.

Sa akin ang Pinas!

puro katatawanan at kalokohan... gamit mga linya at pamagat ng mga pelikulang Filipino... pero benta.




walang pagpapanggap na pagpapaka-intelihente, kundi purong patawa at kalokohan lang. :)

Linggo, Mayo 15, 2011

Ahas sa tabi

di maaring tumalikod
di dapat magpabaya
di dapat makalimot
di pwedeng maging masaya
dahil andyan lang sa tabi
ang kamandag na tutuklaw
dangan lamang di malalaman
ang tunay niyang ngalan
sapagkat siya'y nakatago
sa balatkayong pakikipag-kaibigan
kaya't di dapat magpabaya
at laging mag-iingat
sapagkat ang ahas na tutuklaw
ay nasa di lang kalayuan

----------------------------
Roy
May 9, 2011
10:43 p.m.
Angeles City
Philippines

Sabado, Marso 12, 2011

nang mangarap ang makata...

Libre lang mangarap.

At yan ang madalas gawin ng inyong likod, ang mangarap… minsan gising, minsang tulog, palaging nangangarap. Iba-iba… halo-halo… samu’t-sari… may mga imposibleng mangyari, at may mga talagang kagimbal-gimbal na parang kalokohan lamang kung titignan.

Isa sa mga pangarap na iyan ay ang mailathala ko ang aking sariling aklat ng mga tula, mga tula na aking isinulat mula nung ako ay bata pa lamang… hanggang ngayon na ako’y tumanda na.

Ito ay mga tula na maaring sabihing ako lang ang matutuwa o ako lang ang makaka-unawa. Dahil hindi naman talaga sila kagimbal-gimbal, bagkus sila ay isinulat lamang sa mga pangkarinawang salita.

Karapat-dapat ba akong tawaging makata?

Lunes, Pebrero 28, 2011

Ang pag-emo sa facebook...

May mga natutuwa, may mga na-a-aliw, may mga naiinis, at mayroon rin naman na dedma at "wapakels" ika nga. Walang pakialam kahit na ano pa ang mangyari, at ano pa ang sabihin ng iba.

Ang binabangit ko ay ang pag-emo sa facebook.

Oo, yun mismo!

Sino pa ba ang walang account sa facebook ngayon? Yun na lang sigurong hindi marunong mag-computer o yung mga hindi pa nakakarinig ng Internet. Pero halos lahat mayroon nang facebook account ngayon, di ba?

At ang facebook ay parang pag-silip na rin sa buhay ng isang tao. Malalaman mo kung ano ang nangyayari sa kanya, ano ang kanyang nararamdaman. Ultimo ulam na kinain niya kaninang almusal, tanghalian o hapunan ay malalaman mo... kahit na hindi mo naman talagang gustong malaman.

Martes, Enero 25, 2011

Maligayang kaarawan, Kaibigang Ever!

Binati ko siya, at siya'y naglambing. Sino naman ako para tanggihan ang kanyang hiling?

Para Kay Kaibigang Ever

munting kahilingan, ba't di pagbibigyan
isang lambing ng tanging kaibigan
kaya't heto, iyo sanang pagdamutan
maikling tula para sa iyong kaarawan

mula sa pagpinta, akin nang hinahangaan
pinasok mo na rin pagkuha ng larawan
at siyempre, di natin dapat kalimutan
ang makatang nananahan sa 'yong katauhan

ilan lamang yan sa iyong kataingan
ako'y sadyang mapalad na maging iyong kaibigan
dalangin ko nga sana na ako'y maambunan
ng iyong angking talento at kagalingan

at muli ang aking pagbati... maligayang kaarawan, kaibigan

January 25, 2011

Roy
11:21 PM
Angeles City
Philippines