Lunes, Enero 19, 2009

Magpupuyat ka ba para kay Obama?

Habang hindi pa rin ayos ang usapan sa laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton (akala ko nung una, ayos na, tapos sumunod na balita hindi pa daw pumapayag si Pacman) dahil di magkasundo sa hatian ng pera. Pagtuunan muna natin ng pansin ang inagurasyon ni Barack Obama.

Bakit nga kaya? Sa dinami-dami ng naging presidente ng Amerika, mukhang pinaka-sikat itong si Obama? Dati pagkatapos malaman kung sinong panalo sa eleksyon nila, halos wala nang pakialam ang buong mundo?

Pero ngayon, ang daming nakatuon ang pansin kanyang inagurasyon bukas. Ang daming gustong manood, ang daming gustong makibalita, ang daming gustong makisawsaw, ang daming gustong mag-blog! (isa na pala ako dun)

Aba! Kung ginawang pay-per-view ito, tatalunin ang kita nina Pacquiao at Dela Hoya.

Anong oras na nga ba? Lekat, bakit ba hindi ko na mamemorize ang time difference ng Pilipinas sa Amerika? (kasi wala akong pakialam)

Pero ang ibinabalita kagabi sa channel 7 (walang ibang makuhang istasyon ang TV ko e) e madaling araw daw e. Magising kaya ako? Manood kaya ako?

Teka, may mapapala ba ako?

Ikaw? Handa ka bang magpuyat para kay Obama?

3 komento:

itot54joni ayon kay ...

si angel cuala ng fatherblogger.com ay nahingi ng konting tulong financial sa inyo sa kadahilanan na ang butihing asawa niya e nadiagnose ng dengue. nakaconfine po ang asawa niya at nangangailangan ng 10k para sa blood transfusion. kung gusto niyo pong tumulong e iemail niyo ako sa itot54joni@yahoo.com. ako na po ang tatanggap ng mga tulong financial niyo dahil unverified po ang paypal account ni angel. maraming salamat po.

Jeniffer ayon kay ...

anu ba yan naiinis ng talaga ako, di ako makapagpost ng comment nung isang araw pa.. haikz..


anyway di ako nakapanood kasi natulog ako. antok na eh. nanood na lang me news. no choice eh


hai gamitin ko na lang ang google ko pang post ng comment.. :)

Roy ayon kay ...

@ jeniffer

bakit hindi ka makapag-comment?

@ itot
kaya pala hindi siya nagpopost sa blog niya