Lunes, Hunyo 22, 2009

Salamat at Walang Anuman

Salamat at Walang Anuman
ni Darbs

Nakisawsaw sa haw haw de sabaw
de kutsilyo de saksak de Supremo
ay naku manong napuruhan
nang todo sa otso otso, tulog hanggang alas singko.

nagbubuka bukaka lumundag sa bintana;
i-inda-indayog, ay apo di na natuto
dahil pakimbot kimbot nagalit ang mga panatiko at syay binato.

Mga punyeta nila sa medieval period pa rin ang utak nila;
pinag hahampas sa lansangan binuhusan ng mainit na kape
Itim pa naman ang kanyang panti

Mula Iran hanggang Saudi
bawal ang mga bakling
tingkuling, ikaw maduling
hindi ka tatantanan
patay kang bata ka.

by Darbs 22.09.6
derived from Roy Angeles's Isang walang Kwentang tula.

Ang aking kaibigan na si Darbs ay pumatol at nag-aksaya ng panahon sa aking walang kwentang tula (sinundan nito). Subalit, sa halip na mag-komento ay humabi rin siya ng isa pang tula.

Sa ganang akin, ang kanyang nilikha ay sadyang kahanga-hanga at aking minarapat na gawin itong guest post sa aking Etsetera! Etsetera! kahit na wala pa akong paunang pahintulot sa kanya.

Maraming salamat Darbs. Sana ay huwag mong mamasamain o ikagagalit ang aking ginawa. Sa tingin ko lang talaga'y mas angkop ang iyong tula na magkaroon ng sariling pahina. ;)

2 komento:

jan geronimo ayon kay ...

Ano ba ito. Nahuli na ako sa balita. Nagkabalagtasan na pala di ko pa nakita.

Sadya kayong mga makata, pati akong aligaga sa sariling wika, napapabunghalit tila yata gusto na ring makitara.

Doc Z, tahip ng dibdib ko iyong lunasan. Dala marahil sa sobrang pagkatigalgal. Ilan pa bang henyo meron sa barkadahan. Nasa rurok na ng kaligayahan itong tenga kong basal.

Roy ayon kay ...

hahaha!

'basal na tenga'

naalala ko tuloy ang kaibigan ko, lagi niyang sinasabi kapag green jokes na pinag-uusapan...

"my virgin ears!" sabay takip ng tenga

hirit naman ng isa ko pang kaibigan... "the only virgin part

hahaha!

salamat Jan at napasyal ka dito at nabasa ang napaka-napapanahong tula ni Darbs