Miyerkules, Mayo 20, 2009

May Top 10 ka na ba?

May Top 10 ka na ba?

Siguro naman sa mga panahon na ito ay mayroon ka ng listahan nang Top 10 mo.

Ano kamo? Wala pa? Aba’y gumawa ka na?!

Una, puntahan mo yung post ni Janette para malaman mo ang mechanics ng contest, tapos bumalik ka sa blog mo at gumawa ka na ng listahan mo.

Kung hindi mo alam kung paano, heto tutulungan kitang gumawa, tignan mo ang sample ballot sa baba.


SAMPLE BALLOT

1. The Struggling Blogger
2. Dear Bloggery
3. Writing To Exhale
4. Zorlone
5. Dare To Speak Out
6. _____________________
7. _____________________
8. _____________________
9. _____________________
10._____________________


Sample lang iyan, pero kung gusto mong sundan yung mga nakasulat, pwede rin, para lima na lang ang hahanapin mo.

Dapat qualified ang mga candidates mo. Ang mga limang na yan, puro qualified.

Paano ba ma-qualify?
1. Dapat nagsimula ang blog ng alinman sa mga araw mula May 2008 hanggang sa kasalukuyan
2. Ang profile ng author at email o contact page ay madaling ma-access sa homepage

Huwag mo ring kalilimutang ilagay sa iyong post ang link ng mga sponsors. Kung baga sa TV e, kung walang patalastas, walang palabas, importante yan!

Ang mga sponsors:
1. The Absolute Traders
2. MyBrute Cheats
3. Absolute Summaries

Pagkatapos mong magawa ang post mo, bumalik ka ulit sa original contest link, at mag-comment ka dun, ilagay mo ang link sa post mo para mabilang ang mga boto mo.

Yun lang!

Kaya, sige! Gawa ka na ng listahan mo!

Huwag mong kakalimutan ang mga manok ko a? ;)

Basahin din ang mga sumusunod:
The Struggling Blogger’s biggest quest
The Struggling Blogger as a poet
My List of Top 10 Emerging Influential Blogs
Top 10 Emerging Influential Blogs of 2009 Writing Project


12 comments:

zorlone ayon kay ...

Salamat Roy at may partial list na ako! hehehe.

Kung ikaw ay nagbabasa dito sa komento na ito. Subukan mong bisitahina ng mga blogs na nasa listahan para malaman mo kung bakit ganun ang pagkampanya namin.

Salamat po.

Z

Roy ayon kay ...

hahaha!

Ang bilis mo Doc Z!

Jan ayon kay ...

Ang gara ng pagkasulat. Light and breezy. Ahahaha.

At may sample ballot pa! Hahaha. Ngayon ko lang naunahan si Snow. Kahit saan ako magcomment nauuna lagi si Snow. Formula 1 race car yata gamit ni Snow eh.

Creative mo talaga, Roy. Doc Z, post ka na rin ng sample ballot mo. ",)

Roy ayon kay ...

hehehe...

we have to use all our resources Jan ;)

Lucrecio Emerito ayon kay ...

May sample ballot pa pala dito. Aba okey.

Roy ayon kay ...

Hi Luke!

we don't want to leave any stones unturned, hehehe...

exodians ayon kay ...

Sir Roy ginagawa ko pa lang ung akin dahil ung mga ka-grupo ko sa klase wala pa ring sinabmit na slogan. tapos ung nagmagaling galingan (no offense doon sa suggester ng table kuno...hehehe...cool din un)now you see now you don't. palaging absent kung kailanganin. hehehe.

May SAMPLE BALLOT PA PALA? Kailangan pa ba ang NAMFREL? hehehe.

Napadaan lang.

Roy ayon kay ...

uy! salamat at napasyal ka dito sa pangulit na blog darbs! hehe..

nagmagaling ba? hehe... inayos mo tuloy ang mga kahon mo, hehe...

di na nga bumalik ano?

kay Janette siguro ang application ng NAMFREL, hanggang distribution of sample ballot lang tayon

Amor ayon kay ...

Salamat at may kopyahan pala dito hehe. Ibo-vote ko nga kayo ni Snow Kuya Roy, kaya lang less than 5 pa lang yung nasa list ko kaya hindi ko pa mapost. :)

Roy ayon kay ...

uy!

thank you very much Amor!

Snow ayon kay ...

@Kuya Jan
Ikaw talaga, nagkakataon lang na nauuhan kita kasi researcher ang Lowla Snow ninyo...hehehe...

@Kuya Roy
Maraming salamat sa iyong walang sawang pangangampanya.

Cheers,

Snow

Roy ayon kay ...

Hi Snow,

siyempre, next year hindi na tayo pwede kaya kailangan karirin na ngayon ;)