Lunes, Hunyo 15, 2009

Isang walang kwentang tula!

BABALA! Basahin lamang kapag ikaw ay walang magawa


authentic puroy

heto na, heto na, di mo pa nakikita
teka, ito ba’y tula? tila bugtong yata
haw haw de carabao batuten
pag di makatulog, solusyon ay count to ten

heto na si kaka, bubuka-bukaka
dumaan si tarzan , nabiyak ang daan
pagdating sa dulo ay i-inda-indayog
kaya pala ay nakainom ng lambanog

may payneta pa siya at mananalamin
sa may bahay kubo, duon po sa amin.
kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
magbayad ng maaga ng di maabala

weytaminit, kapeng maiinit,
konting ipit at baka masilip
basta sexy libre, kapag buntis doble
dahil matayog ang lipad ng sarangola ni pepe

mula aparri hanggang jolo
bawal ang nakasimangot dito
at kung hindi ka pa nangingiti man lang,
hindi ka namin tatantanan!

---------------------------------------

Roy
May 2006
Angeles City
Philippines


authentic puroy*
dahil ganito si puroy nung di pa nagseseryoso
at hindi pa nakakausap ng matino
lahat ng usapan ay talagang hinahaluan
di lamang may sayad, below sea level pa ang tama

8 komento:

Jena Isle ayon kay ...

he he he, ibig bang sabihin, may sayad ka ngayon, kabalen? lol. Nakatuwang poesa. Kapampangan kaya? lol

Roy ayon kay ...

hahaha! Kapampangan ba?

meron tayo niyan!

darbs ayon kay ...

@Roy
Salamat at Walang Anuman

Nakisawsaw sa haw haw de sabaw
de kutsilyo de saksak de Supremo
ay naku manong napuruhan
nang todo sa otso otso, tulog hanggang alas singko.

nagbubuka bukaka lumundag sa bintana;
i-inda-indayog, ay apo di na natuto
dahil pakimbot kimbot nagalit ang mga panatiko at syay binato.

Mga punyeta nila sa medieval period pa rin ang utak nila;
pinag hahampas sa lansangan binuhusan ng mainit na kape
Itim pa naman ang kanyang panti

Mula Iran hanggang Saudi
bawal ang mga bakling
tingkuling, ikaw maduling
hindi ka tatantanan
patay kang bata ka.

by Darbs 22.09.6
derived from Roy Angeles's Isang walang Kwentang tula.

Roy ayon kay ...

hahaha!

maraming salamat Darbs!

at kung iyong mamarapatin, nakakapanghinayang na ito'y nasa comment section lamang, kaya't ito'y ilalagay sa itaas para mabigyan ng tamang pagkilala ;)

darbs ayon kay ...

Ang iyong suhestiyon ay nakakahiya subalit di ko mawaring bat puso'y sumaya.

Subalit bahala na po kayong bigyang pansin ang Walang ka Kwentang Tula na mula sa gawa ni Kasamang Roy na may lahi sa mga magigiting na bayani ng lupang hininang na aking iniwan.

Roy ayon kay ...

naunahan mo ako, bago pa man kita napuntahan hehe...

salamat uli sa iyong tula ;)

Jan ayon kay ...

Kaya naman pala na-inspired si Darbs bumunghalit ng tula. Understood ko na. Kabungha-bunghalit nga naman pala. Ang galing. Sa Inglis - preposterous. But it's my kind of preposterous. Mapanukso, makulit, nangungublit, higit sa lahat - masaya! ",)

Roy ayon kay ...

hehehe...

salamat sa pag-aksaya ng oras sa king walang kwentang tula Jan ;)