Miyerkules, Mayo 26, 2010

NAMEMERSONAL KA BA?!

Lahat na lang pinepersonal mo! Pati pinakamaliit na bagay, pinepersonal mo! Masyado kang namemersonal!

Aba! Dapat lang! Dahil lahat ng iyong ginagawa, sinasabi, o iniisip ay repleksyon ng iyong personalidad!

Kaya pati pagbibigay ng regalo ay napakapersonal para sa iyo. Dahil di ka lang basta-basta namimigay, kundi binibigay mo ang bahagi ng sarili mo. At tinitiyak mo na bagay sa personalidad ng pagbibigyan mo ang regalo mo!

O, di ba napakapersonal?
Ngayon, kung personalan din lang ang pag-uusapan, aba, matutulungan kita diyan! Una, sino ba naman ang hindi matutuwa sa t-shirt na may larawan ng kanilang mahal sa buhay? Tiyak, patok yan!

Calling card, invitation o kalendaryo? Bakit ka mamimigay ng papel or cardboard lang? Gawin mong magnetic! Pati larawan, gawin mo ring magnetic! Hindi na kailangan ang picture frame, di ka pa magbubutas ng dingding para sabitan. Iba ka e!

Mahilig ba sa jigsaw puzzle ang mahal mo? Bigyan mo siya ng isa na ikakagulat niya kapag nabuo! Bakit? Dahil larawan ninyong dalawa ang makikita niya!

Para sa matamis na usapan, Personalized Chocolate Bar ang maipapayo ko sa iyo. Pwede mo itong gawing imbitasyon, giveaways, calling card, o kahit gusto mo lang magpahayag ng damdamin!

Pabango ba ika mo? Aba! Daig mo pa ang signature dahil larawan mo ang nakalagay sa bote! Astig! Para ka na ring may sariling brand!

Gusto mong gawin mas espesyal ang iyong paboritong larawan? I-Papier Tole natin! Magiging mas makulay ang ala-alang nasa likod nito kapag nakita mong naka-angat ang mga detalye na parang 3D at buhay na buhay!

Meron ding Pin Buttons, Mugs, Plates, Car Hanger T-shirt, at marami pang iba! At lahat ay pwede mong lagyan ng larawan at mga mensahe na nababagay sa iyong espesyal na okasyon!

At para sa larawan ng mga nabangit ko, bisitahin mo ang website ko sa www.houseofpuroy.multiply.com
Kaya kung namemersonal ka… kaibigan, mag-usap tayo.

Ito ay ginawa ko nuong ako ay nagnenegosyo pa, muli kong inilalabas bilang paghahanda sa pagbabalik ko sa pagiging entrepreneur. Maaring hindi lahat ng nabanggit ay available na ngayon. Pero asahan ninyo, makukumpleto yan at madaragdagan pa.

Usapang personalan na!

8 komento:

Jena Isle ayon kay ...

Roy, ang ganda. Personal na personal..lol..Ako ang unang mag-oorder. Free delivery ha..he he he..

Good luck with your up coming business.

jan geronimo ayon kay ...

Susmaryosep, akala ko feeling emo ka today, Roy. Napasugod ako dito. Ahahaha.

Okay, may I have three personalized chocolate bars, please? :)

How's your day like? Everything okay? Ahehehe

Roy ayon kay ...

@Jena
yan ang talagang business ko bago ako naging blogger, kaya lang sa 'pangyayari' sa buhay ko medyo natigil muna

sana makabalik ako

@Jan
I knew this would strike your curiousity hehe...

kundi lang sa kunsumisyon ko ngayon sa internet ko, okay lang sana ang araw ko

zorlone ayon kay ...

Eye catching title! Akala ko din kung tungkol saan. he he he.

Have you tried working for an ad agency, better yet, start your own? I'm sure your ads will sell.

About calling cards, wala pa akong sarili, nakikigamit lang ako sa calling card ng clinic. Kapag nagkabudget ako, pagusapan natin. lol

Z

earthlingorgeous ayon kay ...

sakto!

Roy ayon kay ...

hahaha! ang tipid naman!

pero okay lang, kasi nga 'sakto!' hehe..

thanks Earthlingorgeous!

Everlito (ever) Villacruz ayon kay ...

personalan nato...ok na ok..sabagay pareho tayong gwapo sa personal.ha ha ha.
etc.etc.

Roy ayon kay ...

hahaha!

magandang araw ulit ever, tama ka, personalan ito hehe...

at mas lalong tama ang huling sinabi mo hehe...