Linggo, Nobyembre 29, 2009

Galaw-galaw

galaw-galaw, at baka mangawit
parang ang tagal na yatang nakasabit
di na kumibo, di na umimik
sadya bang abala? o wala lang maisip?

aba! bakit ba nagkakaganyan?
tama bang tumahimik na lamang?
sa dami nang mga pangyayari
imposibleng wala man lang masabi

Walang komento: