Sabado, Abril 3, 2010

Bakit kaya ganito pa rin tayo?

Bakit kaya ganun?

Nagtataka lang talaga ako kaya hindi ko maiwasan magtanong... bakit sa dinami-dami ng mga gustong magmalasakit at gustong tumulong at maglingkod sa ating bansa, bakit hindi pa rin tayo umuunlad ng tuluyan?

Oo naman, may mga trabaho, mga kumpanya, mga umiikot na pera... pero, umuunlad nga bang talaga?

Dangan kasi, di ba naman tuwing eleksyon, lahat ay inihahandog ang kanilang serbisyo para sa ating bayan at bansa. Iisa lang naman ang kanilang hangarin, di ba? Ang tumulong sa kapwa, magbigay ng trabaho, paunlarin ang bayan.

Di ba may mga nananalo naman sa eleksyon?

E di ibig sabihin, may mga dapat magtrabaho para tuparin ang kanilang mga pangako.

Pero bakit ganun?

Imbis na umunlad ang bayan, iilan lang ang nasasabing nabibiyayaan? Lalong lumalaki ang agwat ng mga mahihirap at mayayaman.

May mali di ba?

Ang daming nagmamalasakit... ang daming nagmamahal... ang daming gustong tumulong...

pero, bakit ganito pa rin tayo?

1 komento:

Robot President ayon kay ...

magandang gabi, ako ay natutuwa at ako ay napadpad sa pahina mong ito.

natuwa ako sa pagbasa sa iyong paskil ang kung iyong mamarapatin ay magbibigay ako ng ilang mga puna.

Una, totoong maraming tumatakbo at maglingkod sa bayan. Wala naman talaga kahit isa sa kanilang gustong sirain ang bansa natin. Maaaring may kasabay lang silang gustong gawin, pero maliit lang ito at ito ay wala pang kasiguraduhan.
Totoo man ito, umaksyon at umaksyon man sila, hindi naman talaga nila na so-solusyonan, ni-reremedyohan lang nila.
Amproblema sa puro aksyon ay ang hindi naman pag-iisip kung solusyon nga ba ang iaaksyon.

Pangalawa, Kaya naman iilan lang ang na-aayos, ay dahil puros remedyos lang ito, marahil ang isa ay masagot ang problema sa kulang na gamot, ngunit ang pinaka ugat ng lahat ng ito ay mananatili.

Pangatlo, at huling puna, payo ko lang naman, at wala naman itong masamang ibig sabihin, mas mainam na kung magpapaskil tayo ay may konklusyon. Kaya naman talaga tayo nag-iisip para tuldukan ang mga katanungan sa ating isipan.
Hindi kita pinangungunahan, payong kaibigan lang.

Salamat!