Sa aking pag-iisa, ako'y nag-iisip,
Aking naalala, mapait na sinapit,
Sa kadahilanang hindi ko malaman
Luha sa mata'y biglang nagdaluyan
Tunay na mahirap ang ika'y mawalay
Sa iyong Irog at mahal sa buhay
Sa aking pag-iisa, aking na-a-alala
Pati ang mga mumunting inakay
Patuloy sa pagdaloy luha sa pisngi
'Di mapigilan, mahabag sa sarili
Sa kalagayan na aking sinapit
Kahit pusong bato, ay lalambot din
Diyata't ako'y sadyang sinusubok
Sa aking tibay at tatag ng loob
Kung gustong ang kinabukasa'y gumanda
Kailangang lampasan ang bawat problema
'Di mapiligan, buntung-hininga'y lumalalim,
Sa sama ng loob at bigat ng dibdib
At parang naghahabulan pa sa aking pisngi
Ang mga luhang 'di ko na pinunasan
Patuloy sa pagdaloy, patuloy sa pagluha
Hindi mapigilan, kaya't hinayaan
'Di ko namalayan na nang kalaunan
Ang luha ko pala, ay naging mga muta.
------------------------
Roy
December 11, 1998
8:00 AM
Ang tulang ito ay isinulat ko habang ako'y nakasakay sa loob ng bus papuntang Bataan kung saan ako nuon ay nagta-trabaho
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento