Biyernes, Abril 3, 2009

Pwede po bang magtanong?

Sa edad na kwarenta (at magiging kwarenta'y uno na sa susunod na buwan) ay napakarami pa ring mga katanungan ang gumugulo sa aking isipan, at hangga ngayon ay hindi ko pa nahahanapan ng kasagutan.

Kaya't kung inyong mamarapatin, ay nais ko sanang ihayag dito ang mga katanungang ito, at baka sakaling mayroon makapag-bigay ng kaliwanagan sa akin.

Narito po ang aking mga katanungan:

1. Tutuo bang hangga ngayon e panahon pa rin ng Hapon sa Japan?

2. Ang daga ba kapag kinakabahan, tina-tao ba sa dibdib?

3. Kung ang kinakain ng isang vegetarian ay gulay, ano naman kaya ang kinakain ng isang humanitarian?

4, Ang lason ba kapag expired na e, nakakalason pa rin?

5. Ano naman ang tawag kapag kinikilabutan ang gansa? Peoplebumps?

6. Kung ang isang tao e umamin na sinungaling siya, nagsasabi ba siya ng tutuo, o nagsisinungaling pa rin?

7. Kung ang tawag mo sa asawa mo ay "better-half," anong klaseng half ka nun?

8. Kapag sinabi mong "expect the unexpected," tama bang tawagin pa ring "unexpected" yun?

9. Saan ba talaga makikita ang "any key?" Bakit lagi na lang itong pina-pa-press?

10. Sino ba si Wisely? At lahat na lang ng posisyon humahabol siya? At ang daming nangangampanya para sa kanya pero hindi pa rin nananalo?

Maraming sa salamat si sinumang magkakaroon ng panahon para sagutin ang mga katanungang ito.

4 (na) komento:

Snow ayon kay ...

Ikaw talaga Kuya Roy! hahaha

Petit ayon kay ...

di hamak na napapagaan mo ang mga nabibigatang puso sa blog mong ito. nakakatuwa kuya roy! hahaha. tama bang tawagin kang kuya? sori.

Roy ayon kay ...

@ Snow,

yan ang nagagawa ng walang nagagawa :)

@ Petit

walang kaso sa akin ang tawaging kuya dahil talaga nasa 'edad' na ako... old enough, pero hindi ko masasabing matured (obvious naman sa blog ko, hehe)

maraming salamat sa pagdalaw ;)

jan geronimo ayon kay ...

Natawa naman ako sa vote wisely. It's staring us in the face - his name - every election day. Pero di natin pinapansin si Wisely. Paano naman kaya tayo susulong niyan as a nation?! Even Elmot our astute political scientist preaches to us about Wisely. Although I'm afraid that if a critical mass of voters vote Wisely into office, it will take the wind out of our good friend's PSB sails and he'd be forced to concentrate on being a renegade blogger. LOL