Biyernes, Enero 1, 2010

Naitaboy nga ba?

Bago ang lahat, nais kong bumati ng Manigong Bagong Taon!

2010 na, tapos na ang 2009 (obvious ba?). Maraming mga nangyari sa 2009, maganda at di masyadong maganda. Pero mas mabuti siguro kung iisipin na lang ang mga magagandang pangyayari....

pero hindi dapat malimutan ang mga leksyon na ibinigay ng mga hindi magandang pangyayari.

Ngunit hindi naman yun ang pakay ng post kong ito e, pasakalye lang naman yan... pampahaba, ika nga.

Nabingi ba kayo sa mga putukan nuong bagong taon? Ang lalakas na ng mga paputok ngayon 'no? Nakakatakot na nga 'yong iba.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang pagpapatutok ay ginagawa hindi lamang upang salubungin ng masaya at maingay ang papasok na taon.

Isa pang dahilan ng pagpaputok sa bagong taon ay upang maitaboy ang mga masasaman espiritu.

Ang tanong: Naitataboy naman ba?

Mukhang hindi yata. Kahit gaano kalakas ang mga putukan, parang hindi rin sila naitataboy. Dahil andyan pa rin sila at nakaupo.

Ang nakikita ko lang epekto ng mga putukan sa kanila ay nabibingi sila at namamanhid. Nabibingi sila sa mga hinaing ng mga mamamayan, at namamanhid na sila na kahit marami nang naghihirap ay patuloy pa rin sila sa kanilang mga gawain.

Hindi yata ganun ang gusto nating maging epekto ng pagpapatutok, di ba?

A, ewan! Ba't ba ganito ang post ko? Unang-una post sa bagong taon e...

Isipin na lang natin, umpisa na nang bagong taon... baka magkaroon ng bagong pag-asa...

Malay natin, di ba? Hindi naman masama ang mangarap.

3 komento:

Gem ayon kay ...

LOL! Hindi nga natataboy ang masasamang espiritu. Lalo lang sila nagpapaputok ng lagim. Hehe.

Roy ayon kay ...

haha!

Hi Gem!

Salamat napasyal ka sa aking "blog kapag wala akong alam i-blog" :)

Gem ayon kay ...

Haha. Meron din naman akong blog na wala akong alam i-blog. Hehehe.