Huwebes, Pebrero 5, 2009

Angel dancing When I Grow Up

Hayaan nyo namang i-bida ko ang kaisa-isang babae sa buhay ko - si Angel.

Siya ang pinaka-magandang regalo na ibinigay sa akin ng aking mahal na asawa.

Oo, paminsan-minsan medyo pasaway siya, pero malambing siya kaya madali lang makalimutan pagkapasaway niya. Madalas medyo napipikon na mga kuya niya, kasi lagi na lang siyang pinapaboran.

Kaisa-isang babae e, ano pa nga ba ang inaasahan mong mangyayari? Bagama't hindi naman talaga siya spoiled dahil napapa-alalahanan naman at nakikinig naman sa akin.

Pero bunso e.

Heto siya nuong nakaraang Christmas Party ng pamilya namin nuong December 24, 2008. Medyo mahina ang music kasi malayo yung pinanggagalingan ng sounds - yung PC kong nasa kwarto namin, pero maririnig n'yo pa rin kahit paano.

Heto na:





Hayan ang aking bunsong anak... ang aking baby...

ang aking Angel.

Walang komento: