Biyernes, Pebrero 20, 2009

Ikaw na kaya ang hinihintay ng SuperLotto?

Hangga ngayon wala pa ring nakakakuha. Gusto ko sanang isipin na baka ako lang talaga ang hinintay ng SuperLotto para makakuha ng jackpot.

Kaso, hindi naman ako tumataya ng Lotto e.

Mahigit P300 million na ang premyo. Malaking pera yan, kahit sampung tao pa ang manalo, may tig-P30 million pa rin!

Sana nga ganun ang mangyari. Tutal malaki naman ang premyo, sana marami ang manalo para marami ang makinabang.

Baka isa ka na dun?! Bakit hindi mo subukan?

Ako? Malas ako sa sugal e, kaya ayaw kong tumaya...

balatuan mo na lang ako :)

2 komento:

Elyong ayon kay ...

OO nga nakita ko duon sa isang outlet.. 330million, wow ang laki... mas lalong lalaki pa yan. Pero gaya ng sinasabi mo, ako na rin kaya ang hinihintay na tumaya? Paano ba tumaya? Puede bang manalo ang hindi tumataya? hehehe...

Roy ayon kay ...

sana nga pwedeng manalo kahit hindi tumataya, hehe...

ako rin hindi tumataya e, kasi binibilang ko na agad ang premyo ko kapag tumataya ako, hehe...