Biyernes, Pebrero 6, 2009

Manalo ng P500 free load linggo-linggo!

Bilang bahagi ng National Arts Month-Philippine International Arts Festival 2009 celebration ng National Commission For Culture and the Arts (NCCA) at ng Sining Gising TV program, kanilang inilunsad ang Text Tula.

Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga katulad kong (ehem!) makata.

Linggo-lingo ay may 5 weekly winners na makakatanggap ng P500 worth of prepaid cellphone load.

Ayos di ba!

Paano sumali?

Gumawa ka ng short poem na apat na linya (quatrain), maaaring itong nakasaad sa Filipino o Tagalog, o kahit sa ating mga sariling-wika sa ating probinsiya (dialect).

Isa-alang-alang ang sub-theme ng okasyon "Sa Sining, Bida ang Pinoy sa Galing"

I-text ang inyong tula sa mga sumusunod na numero:
Smart/Talk and Text 0920-9514916 ; 0928-3482991
Globe/Touch Mobile 0926-6562210
Sun 0923-3553719

Pwede ring ipadala sa email na ito: sininggising@yahoo.com

Para sa iba pang detalye at katanungan, maaring kontakin si Mr. Wilyan Maglente at 5272192.

Hindi ko nabasa kong kelan ang deadline nito... pero Art Month, kaya lamang isang buwan lang ito, at ngayon Pebrero lang siguro.

May pagkakataon pa para manalo ng P500 text load!

Nais kong pasalamatan si PinoyContest dahil sa kanya ko nalaman ang contest na ito.

2 komento:

Ambo ayon kay ...

Naku masubukan ko nga to. Baka makalusot ang tula tulaan ko hahaha. Sayang ang load! Thanks sa info Bro!

Roy ayon kay ...

good luck bro!

sana manalo ka, para pasaload mo ako, hehehe...