Biyernes, Marso 13, 2009

Ang Pinoy nga naman... :(

Marami ang nagulat sa nabalitang pagkamatay ni Francis Magalona... marami ang nalungkot, mga kaibigan, rappers, tagahanga, at kahit yung mga hindi naman talagang sumusubaybay sa kanya ay nalungkot din.

Batid kasi ng lahat ang talento ni Kiko at ang kanyang kontribusyon di lang mundo ng showbiz, kundi sa buong bansa. Napalawak niya ang kamalayan ng nasyonalismo sa mga kabataan.

Dahil dito, marami ang mga naghangad na magkaroon ng kanyang mga dinisenyong t-shirts. 3 Stars and a Sun, mapa ng Pilipinas, ang kulay ng watawat ng bansa, na talagang sumisimbulo ng pagka-Pilipino.

Subalit, hindi na yata maalis sa ugali ng mga tao ang magsamantala at makisakay sa bawat oportunidad. Dahil kanina, ibinalita sa Eat Bulaga na marami na daw namimirata 0 namemeke ng mga t-shirts ni Francis at ito'y kanilang binebenta.

Kaya nanawagan ang kanyang maybahay na si Pia sa pamamagitan ng Eat Bulaga na sana tigilan na nila ang kanilang ginagawa. Huwag sana nating sirain ang alala ni Francis.

Hindi ganyan ang gustong mangyari ni Kiko.

3 komento:

Jan ayon kay ...

Hay, mga Pinoy nga naman, para kumita lang e di baling makasagasa sa privacy ng kapwa nila. Karumaldumal ba tawag sa ganoon? O balahura. Natatawa na lang ako.

Pero ano naman tingin mo sa mga bloggers na nagsulat tungkol kay Francis. Mayroon kasi iba, malinaw na search traffic lang punto ng pagsusulat. May mangilan-ngilan kasi, Roy. Mahahalata naman e - la na ngang puso wala pang kaluluwa iyong post. Di ba isang uri rin iyon ng pangangalakal na may pagkabalahura?

Roy ayon kay ...

Tamang obserbasyon Jan, pero dahil isa ako sa nagba-blog na iyon ay hindi ko masasagot yan.

Bawat blogger ay may kanya-kanyang intensyon sa bawat paksang kanyang isinusulat.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Actually dati pa kalat na sa mga tiangge yang imitations ng mga designs ni Kiko,,nakakalungkot nga kasi ang hilig manggaya ng mga pinoy!May kamahalan kasi yung orig'dahil sa quality ng tela of course kya siguro naisip ng mga nanggagayang ito na tiyak papatok pg maglalabas sila ng imitation at mura lang,,,
Kaya lang sana huwag namang gayahin yung mismong concepto,malikhain ang mga pinoy...sana matuto naman silang gumalang sa privacy ng ibang tao...
Thanks for that post,,,