Miyerkules, Marso 4, 2009

Ano ba ang magagawa ng isang oras?

Ano nga ba?

Masasabi mo bang may magagawa kang kakaiba sa loob ng isang oras?

Makakatapos ka sigurong magbasa ng isang maliit libro o isang magazine, manood ng TV kaya o makapagluto ng isang masarap na putahe. Sa isang empleyado, maaring matapos mo ang report mo.

Pero wala namang kakaiba dun di ba? Pero sa March 28, meron kang pwedeng gawin sa loob ng isang oras na magkakaroon ng epekto di lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Dahil sa March 28 itinakda ang Earth Hour para sa taong 2009.

Sa nasabing petsa, patayin mo ang ilaw mo ng isang oras, ito ay gagawin mula 8:30 PM hanggang 9:30 PM.

Huwag kang pilisopo! Nakapatay nga ang ilaw mo pero bukas naman ang computer, TV, aircon, karaoke, DVD player, PSP, Wii, electric fan at kung anu-ano pa!

Hindi lang ilaw, kung hindi lahat ng electrical appliances ay huwag mong gagamitin o bubuksan sa loob ng isang oras! Pati ba yung ref? Aba, bakit hindi? Hindi naman siguro mapapanis ang pagkain sa loob kung nakapatay ng isang oras di ba? May lamig pa naman sa loob yun, wag mo na lang bubuksan.


Maaring sa tingin mo, maliit lang naman ang matitipid mo sa loob ng isang oras. Pero kung titignan mo ng pandaigdigan (naks! lalim nun a!), ang laking savings nun kung buong mundo ay sabay-sabay na magpapatay ng ilaw (at kuryente) sa loob ng isang oras!

Maliban sa matitipid, ito ay isang kampanya rin para maipahatad sa lahat ang mensahe ng Global Warming at kung paano tayo, bilang ordinaryong mamamayan ay makakatulong para mailigtas ang ating mundo.

Kaya't tandaan ang petsa - March 28, 2009, 8:30PM hanggang 9:30PM, Earth Hour.

Magpatay tayo ng ilaw sa loob ng isang oras.

2 komento:

Snow ayon kay ...

Thanks for the info Roy. Hmmm, earth hour pala sa March 28 huh?

Roy ayon kay ...

Hi Snow!

Oo, I remember last year, nag-enjoy si Angel, yung anak ko. Kasi isang na nakapatay ang mga ilaw at mga computers at tv, kaya wala kaming ginawa nuon kundi magkuwentuhan.