Miyerkules, Marso 18, 2009

Waaaaa! Paborito ko ang peanut butter... bakit may salmonella?!

Nakakainis! Nakakainis talaga!

Bakit nagkaroon ng salmonella ang peanut butter? Ang buong akala ko nuon sa manok at itlog na hilaw lang nakukuha ang salmonella... pati rin pala sa peanut butter!

Lumitaw sa pagsusuri ng BFAD o Bureau of Food And Drug na positive sa salmonella ang dalawang batches ng peanut butter na may tatak na Yummy and Creamy.

Ito ay ang Batch no. 11240810, 490 grams at may expiration date na May 24, 2009 at ang Batch 3040905, 224 grams na may expiration date September 24, 2009.

Nag-order na ang BFAD na i-recall na ang mga nasabing batches. Ginawa naman ito ng Samuya Food Manufacturing Inc., ang may-ari ng Yummy and Creamy brand. Pero sa malas, hindi naman lahat nakuha nila. May mga nabili na, at malamang nakain na rin.

Pero sa ngayon, wala pa namang napapabalitang itinakbo sa hospital dahil sa pagkain ng peanut butter.

Paborito ko ang peanut butter, pero ngayong nabalita na yan, paano pa ako makakakain niyan? Kahit hindi yang brand na yan ang binibili ko, parang nakakatakot na rin kumain ng kahit anong brand!

Ikaw, kakain ka ba?

Pati kare-kare, ibig sabihin hindi na rin ako kakain?! Paborito ko rin yun!

Nakakapraning!

Ano pang pwedeng kainin?!

Walang komento: