Lunes, Enero 12, 2009

dahil hindi lang tuwing summer may halo-halo!

Ayos ba? Minsan napapabilib ako sa sarili ko e... ang galing ng naisip kong subtitle ng blog ko 'no? 'hindi lang tuwing summer may halo-halo!' Sino ba namang makakaisip na gamitin ang halo-halo sa blog? Ako siyempre!

Oo na, binubuhat ko sarili kong bangko! Wala namang magbubuhat nito para sa akin e, at saka mahirap na! Minsan may nagbuhat ng bangko ko, nung mangawit... binagsak! Ang sakit nun! Kaya ako na lang, sigurado pa akong hindi ko ibabagsak.

At saka, hindi naman mataas ang pagbubuhat ko e. Konti lang masaya na ako, umangat lang konti sa lupa okay na yun. Kahit na mga 1 inches lang. (oo na! 1 inch! tinitignan ko lang naman kung nagbabasa ka e)

Mabalik tayo, bakit nga ba halo-halo? E ano pa nga bang babagay sa etsetera? Nakita nyo naman dun sa una kong poste, walang patutunguhan... este, walang specific na daan o tema ang blog na ito. Basta lang gusto kong magkaroon ng Tagalog na blog... kaya etsetera!

Na ibig sabihin e, halo-halo na ang andito. At kapag sinabing halo-halo, pumapasok sa isip natin summer. Sasabihin ko sana Mahal na Araw e, kaya lang one week lang yun. Kaya buong summer na!

Pero sa tutuo lang siyempre, available naman talaga ang halo-halo kahit Disyembre. Kaya lang identified lang talaga sa summer kasi e, di ba?

Teka nga, ba't ba kailangan ko pang i-justify ang subtitle ko. Basta yan na yan! Ang magiging buong pangalan ng aking blog....

Etsetera! Etsetera!
dahil hindi lang tuwing summer may halo-halo!

o di ba?!

Walang komento: