Linggo, Enero 18, 2009

Kainis na talaga ang Globe!

Madalas din ba kayo makatanggap ng ganiton text message mula sa Globe?


From Globe: Bka winner ka! P100,000 CASH dis week! Dahil sa reload mo las 01/13, kasali ka na. Txt PERA to 2346! DTI6490 NoFreeInfo? Txt PTS STOP to 2346

Sender:
GLOBE


Nabubwisit ako kapag nakakatanggap ako ng text na ganyan! Bakit ka'mo? Kasi hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ka pang mgtxt para malaman kung panalo ka? Bakit hindi na lang nila sabihin kung nanalo ka na nga?

May nanalo na ba talaga dito?

Kung hindi nyo pa alam, kapag nag-text ka sa 2346 na yan, ay naku kawawa ka! Kasi, biglang-bigla, may sina-subscribe ka na palang service mula sa Globe at maya't-maya ay may matatanggap ka ng text alert mula sa kanila at baway text ay makakaltasan ka ng P2.50.

O di ba, ang galing nila?!

Siguro dahil hindi ko pinapatos ito (dahil alam ko na ang mangyayari), ninenenok na lang Globe ang load ko! Alam mo yun? Yun bang alam mo may load ka, tapos biglang mawawala ang load mo!

Di ka ba naman maiinis nun?!

Hay naku! Nakakainis na talaga ang Globe!

Walang komento: