Huwebes, Enero 29, 2009

Tulong sa pag-aaral ni Jhaynee

Sino ba si Jhaynee?

Si Jhaynee ay isang baguhang blogger na gustong abusuhin ang kapangyarihan ng blogs at gamitin ito sa kanyang pag-aaral.

At ako naman ay isang blogger na willing siyang kunsintihin... este tulungan siya sa kanyang ninanais. (Ang swerte nyo naman! Nung panahon namin, kailangan ng library card at magbasa ng mga makakapal na encyclopedia kapag nagre-research.)

Anyway, ito ay tungkol sa kanyang post na Public Notice: Post Mo, Grade Ko at since Tagalog ang kanyang post, minarapat kong dito ko na rin gawin ang aking pagtulong sa kanya. Bagama't maaring mag-refer ako sa ibang blogs ko kung kinakailangan bilang sagot sa mga tanong niya.

Ang hiling lamang niya ay gumawa ka ng post sa iyong blog na sasagot sa kanyang mga sumusunod na tanong:
1. bakit ka nagb-blog?
bakit ka nagbabasa ng blogs? (for readers w/o blogs)
bakit wala ka pang blog? (for readers w/o blogs)
2. ano ba ang benefits na nakukuha mo from blogging?
3. may masama bang epekto ang blogging sa isang tao?
4. isang mensahe para maghikayat pa ng mga baguhang bloggers.

At heto ang aking mga sagot:
1. Bakit ka nagba-blog?
Bakit hindi?! Este, ang ibig kong sabihin, kagaya rin ng ibang mga bloggers mahilig akong magsulat. Ito'y isang paraan kung saan na-i-e-express mo ang iyong pananaw, kuro-kuro, at expertise sa kung alinmang bagay.

Ang una kong blog ay tinawag kong REFLECTIONS na hinango ko sa pangalan ng mga collections ng mga poems ko. Nuong wala pang blogs, nagsusulat ako ng mga poems (original) na tinatawag kong REFLECTIONS. Sa ngayon, mayroon na akong 3 notebooks na puno ng REFLECTIONS.

Sa mga blogs naman, 12 na blogs ko ngayon. (at baka dumami pa)

2. Ano ang benefits mo na nakukuha mo sa blogging?
Nung una, mahilig lang talaga akong magsulat. Fulfilled na ako kapag nakakasulat ako ng kahit ano. Kapag nailalabas ko ang aking saloobin. At lalong nagiging mas masaya kapag alam may nagbabasa ng mga sinusulat ko. Malalaman mo lang yun kapag nag-i-iwan sila ng comments.

Tapos, nalaman ko, pwede palang kumita dito! Aba, e di mas masaya!

Pero higit na mas magandang benefits (parang sotanghon din kasi ang blogging e "ang daming benefits!") ay ang pagkakakilala ko sa mga magigiting na sundalo ng blogging na nagiging mga online friends ko na rin. Higit pa sa Friendster na add sila ng sila sa iyo, pero di ka naman kinakausap.

Pero mga bloggers, makakausap mo talaga, sumusuporta sa iyo at nagpapalakas ng loob mo. Isa na rito si Jena Isle na isa sa pinakamalaking impluwensiya ko ngayon sa pagba-blog. Ang mga nauna sa aking maging ama na sina Sir Angel at Sir Mon (na pinagkuhanan ko ng information sa project mo sa kanyang pmonchet blog).

Siyempre andyan din si Snow, Bloggista, Amor, Reyna Elena, JoanJoyce, Eric, Tasha, Ambo at marami pang iba! (na huwag naman sanang magtampo kung hindi ko man naisama sa mga listahan ngayon)

3. May masama bang epekto ang blogging sa isang tao?
Sa tutuo lang, meron. Kagaya nang na-i-post ko sa It pays to be offline, medyo nakaka-addict kasi ang blogging at na-a-isolate mo ang sarili mo from the rest of the 'real' world. Andyan na rin ang problema sa mata, health (dahil sa pagpupuyat) at ang nakakatakot na Carpal Tunnel Syndrome.

Ilan lang yan sa masasamang epekto. Sa tutuo lang, marami pa. Pero nasa pagdadala lang yan.

4. Mensahe para sa mga baguhang bloggers
Sumulat ka lang ng sumulat. Huwag kang matakot kung baluktot o medyo asiwa ang English mo. Hindi ka naman i-ge-grade ng English teacher mo e.

Ang blog ay opinyon. Pero iwasan mong makasara sa ibang tao. May balik sa 'yo yun.

At higit sa lahat, huwag mong isipin ang kikitain mo sa blogging, lalo na kung baguhan ka pa lang. Sasama lang ang loob mo.

Basta ang mahalaga - SUMULAT KA!

At ang panghuling kahilingan - para sa mga kaibigan, kaklase, ka-text, ka-chat at ka-tong-its ni Jhaynee, ang UP Visayas College of Management Batch 2004 (UPV CM BATCHOY) pati na rin kay Sir Ramirez na teacher nila - isang mainit at masayang pagbati mula sa The Struggling Blogger ng Angeles City!

Ayan Jahynee, ang aking pagkunsinti... este pagtulong ko sa iyo. Isina-isantabi ko muna ang pagsulat ng article na may bayad para unahin ka at baka hindi ako umabot sa deadline mo.

Good luck! At sana kahit paano may napulot kang may katuturan dito sa post ko.

2 komento:

jhaynee ayon kay ...

maraming salamat po... makakatulong po ito ng marami...

Roy ayon kay ...

uy! salamat din!

ibig sabihin may say-say ang ginawa ko ;)