Linggo, Enero 25, 2009

Eraserheads Reunion Concert Part 2 - The Final Set

Maliban sa laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton, ang isa pang malaking bagay na tuloy na tuloy na ngayong taon ay ang Eraserheads Reunion Concert Part 2 na pinamagatang The Final Set.

Hmmm... ibig bang sabihin nuon e yung final set na lang ng unang Reunion Concert ang gagawin ng Eraserheads ngayon?

Matatandaan na nuong unang reunion concert e nabitin ang mga nanonood dahil biglang tinigil ang concert sa kalagitnaan dahil kailangang itakbo sa hospital ang lead vocalist ng banda na si Ely Buendia. Hindi na rin lingid sa mga fans niya na may sakit siya.

Bagama't nabitin ay walang nagalit, nag-ingay o nagwala sa mga nanood. Tahimik lang silang umalis na nag-aalala sa kalagayan ng kanilang idolo.

Pero ngayon ay maayos na si Ely at uulitin nila ang kanilang nabitin na concert para sa kanilang mga fans. Ito ay gaganapin sa March 7, 2009 sa Mall of Asia Concert Grounds, alas otso ng gabi (8PM). Ang mga tickets ay mabibili sa mga Ticketworld outlets.

Ang iba pang miyembro na bumubuo sa Eraserheads as sina Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro. Isa sila sa pinakamainit na Pinoy Rock band nuong 1990's at nabansagan ding 'The Beatles of the Philippines'

Ang grupo ay naghiwa-hiwalay nuong 2002.

Bagama't wala na ang kanilang banda, ang kanilang mga awitin at musika ay patuloy pa ring nabubuhay.

1 komento:

Pinoy Contests ayon kay ...

Hey, you can win tickets to the Eraserheads' 'Final Set' concert. Here's the link:

http://pinoycontests.blogspot.com/2009/02/win-tickets-to-eraserheads-concert.html

Cheers!