Miyerkules, Enero 7, 2009

Pangalawang poste: Wala pa ring kwenta

Sa tutuo lang, wala pa ring maisip kung ano ang ilalagay dito. Kaya siguro angkop na angkop ang pamagat ng blog na ito - Etsetera! Etsetera! Safe na safe di ba? Kahit na ano pwede, kahit walang kwentang pagbabalandra ng kung anu-ano katulad nito.

Pero ang dami naman pwede isulat, ang daming balita! Puro masasama nga lang :(

Alabang Boys, Pangandaman, Cha-Cha (na nasa Wikipedia na), at kung anu-ano pa. Nakakasawa na! Wala na bang magandang balita? Katulad ng;

1) Pangandamans nag-sorry at nag-resign na sa kani-kanilang mga posisyon ang mag-ama dahil nahiya na sila

2) Alabang Boys, umamin na at itinuro na rin pati ang kanilang malalaking taong pinagkukuhanan ng supplies at pati na rin mga pumo-protekta sa kanila.

3) Dingdong at Marian, umaming sila na!

Teka, nahalo yata yung huli! Magandang balita ba yun?

Hay naku! Ewan ko, pero may matatanggap nga kaya tayong magagandang balita katulad nung nasa no. 1 at 2? O talagang pakapalan na lang labanan?

Natatawa ako, kasi nakakaawa daw ang pamilya kasi apektado daw sila. Di na ako magsasalita.

Maghuhugas pa pala ako ng pinggan. Tutal wala akong makitang pagkakakitaan sa internet ngayon.

Naalala ko tuloy ang madalas sabihin ni Kuya Cesar nuon:

"Mga kaibigan, umulan po sana ng pera"

2 komento:

Jeniffer ayon kay ...

ui congratz ikaw ang nananalo parati.. hehehe.. ngayon lang ako nadapo sayong blog. at masaya ako. :) ayan ako nakasmile talaga.. hehehe..

http://painuminmoko.idlip.net

Roy ayon kay ...

hahaha!

thanks! napasyal ka dito, hehe...